Edukasyong Anti-Filipino
Ang lahat ng wika sa mundo ay sumasalamin sa pagkatao ng bawat lahi. Ang paglimot at pag-eetsa puwera sa wika ay katumbas ng pagtalikod sa lahi. Bilang guro sa Filipino, hindi ko maiwasang mabagabag, o guilty ang tamang term. Wala akong kuwentang guro. Hindi ko magawang itaas sa isandaang porsiyento ang pagiging maalam ng aking mga estudyante sa kaligiran ng pagka-Pilipino. Oo, hindi ko kasalanan ang lahat. Ngunit naniniwala akong malaki dapat ang ginagampanan kong tungkulin sa pagpapaunlad ng kamalayan ng kabataan sa ngayon. Hindi na ako nagtuturo sa kasalukuyan, at nalulungkot ako dahil ito ang pinili kong landas. Para sana sa sarili kong pag-unlad, para magkaroon ng panibagong karanasan. Ang kaso, mukhang nagkamali ako ng desisyon. Mukhang kahit papaano’y may magagawa ako upang makatulong, kung babalik ako sa pagtuturo. Hindi biro ang pagiging isang guro. Napakarami ng gawain sa loob at labas ng silid-aralan. Napakaraming bagay ang pilit ipinapagawa at hinihingi sa kag