Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na Filipinolohiya

Ang Paglalakbay ni Hercules

Ang Paglalakbay ni Hercules (mula sa starsandseas.com) Saling-buod ni Stella Fate               Nagsimula ang kuwento ni Hercules sa kuwento ng kaniyang ama na si Zeus, ang diyos ng kalawakan. Si Zeus na diyos din ng mga diyos ay mayroong asawang si Hera, na kaniya ring kapatid. Dahil imortal, inakala ni Zeus na maaari niyang makuha ang lahat ng babaeng kaniyang nanaisin. Sa tuwing nababalitaan ni Hera ang pakikipagsiping ni Zeus sa iba’t ibang babae, hindi masukat ang galit nito. Isa sa mga babaeng nagustuhan ni Zeus ay nagngangalang Alcmene, isang mortal. Nagbunga ng kambal ang pakikipagsiping ni Zeus sa tao. Ngunit ang kambal na ito’y hindi magkatulad ng anyo. Ang isa’y iniluwal na kasinlaki nang anim na buwang bata at may kulay pulang buhok, pinangalanan siyang Hercules. Pinaniwalaan ng lahat na si Hercules ay tunay na anak ng isang diyos.             Nang lu...

Ang Keyboard Warriors at ang Citizen Journalism

Ang Keyboard Warriors at ang Citizen Journalism: Sipat sa mga Sitwasyong Pang-Media ni Kristine Mae N. Cabales Introduksiyon             Nakaugat sa sikolohiya ng lahing Pilipino ang pagpapahalaga sa kapuwa bilang pundamental na bahagi ng kaniyang pamumuhay. Binibigyan natin ng kakaibang pagtingin ang kahalagahan ng pakikipagkapuwa at ang magaang pakikipag-ugnayan sa kapuwa. Ang kapuwa para sa atin ay hindi “iba” gaya ng pagpapakahulugan ng Ingles na “others”. Ang kapuwa (tayo) ay itinuturing nating kabahagi ng panloob na aspekto ng bawat indibiduwal. Ang ganitong obserbasyon ng pakikipagkapuwa ng mga Pilipino ay sinusuportahan ng mga artikulong inilabas ng Inquirer.net sa mga nagdaang taon. Matagal nang kinikilala ang Pilipinas bilang “text messaging capital of the world” base sa bilang ng pagkonsumo ng pre-paid at post-paid loads. Taong 2015 naman nang ilabas ang artikulong kumikilala sa bansa bilang “most social nati...

Nosyon ukol sa Kulturang Umiiral sa Kasalukuyang Pamahalaan: Suri at Hambing

Nosyon ukol sa Kulturang Umiiral sa Kasalukuyang Pamahalaan: Suri at Hambing ni Kristine Mae N. Cabales Introduksiyon Isang dekada ang nakalipas, nakapaglathala si Jenifer Padilla ng isang artikulo na naglalahad ng kalagayan ng sining at kultura sa panahon ng globalisasyon. Ito ang iniulat ko sa klase namin sa Kulturang Popular. Payak lamang ang pagpapaliwanag at pagbibigay ng mga halimbawa ni Padilla, kaya agad ko namang naunawaan ang paksang aking tatalakayin sa klase. Direkta niyang iniugnay sa gobyerno ang mga kulturang umiral sa panahong iyon at ang mga suliraning panlipunan na idinudulot nito sa atin. Tayo bilang kasapi ng tinatawag na ‘bayan’ na siyang dapat pinaglilingkuran at dapat na naglilingkod din dito ay may responsibilidad na makialam sa mga ganitong klaseng isyu. Gaya nga ng sinabi ni Bienvenido L. Lumbera, pambansang alagad ng sining, ang diwa ng nasyonalismo (pagkamakabayan) ay makapangyarihan, ito ang humuhugis at nagbibigay lakas hanggang sa matupad ang lah...

Edukasyong Anti-Filipino

Ang lahat ng wika sa mundo ay sumasalamin sa pagkatao ng bawat lahi. Ang paglimot at pag-eetsa puwera sa wika ay katumbas ng pagtalikod sa lahi. Bilang guro sa Filipino, hindi ko maiwasang mabagabag, o guilty ang tamang term. Wala akong kuwentang guro. Hindi ko magawang itaas sa isandaang porsiyento ang pagiging maalam ng aking mga estudyante sa kaligiran ng pagka-Pilipino. Oo, hindi ko kasalanan ang lahat. Ngunit naniniwala akong malaki dapat ang ginagampanan kong tungkulin sa pagpapaunlad ng kamalayan ng kabataan sa ngayon. Hindi na ako nagtuturo sa kasalukuyan, at nalulungkot ako dahil ito ang pinili kong landas. Para sana sa sarili kong pag-unlad, para magkaroon ng panibagong karanasan. Ang kaso, mukhang nagkamali ako ng desisyon. Mukhang kahit papaano’y may magagawa ako upang makatulong, kung babalik ako sa pagtuturo. Hindi biro ang pagiging isang guro. Napakarami ng gawain sa loob at labas ng silid-aralan. Napakaraming bagay ang pilit ipinapagawa at hinihingi sa kag...

PAMILYA ORDINARYO: Hubad na Suri sa Isang Realistik na Pelikula

(Setyembre 17, 2016) PAMILYA ORDINARYO: Hubad na Suri sa Isang Realistik na Pelikula                         Gaya ng ibang Indie Film , ang Pamilya Ordinaryo ni Eduardo Roy Jr. ay tumatalakay rin sa palasak na paksang mauunawaan at maiuugnay sa totoong buhay ng nakararami. Mula sa salitang ordinaryo o karaniwan, ang pelikula ay naglaman ng istorya  na maaaring iugnay sa pangkaraniwang buhay ng isang tipikal na pamilyang Pilipino. Ngunit gaano kaordinaryo ang pamilya Ordinaryo?             Si Aries Ordinaryo na ginampanan ni Ronwaldo Martin ay isang 17 taong gulang na batang kalye na asawa naman ng 16 taong gulang na si Jane na ginampanan ni Hasmine Killip, na bagaman baguhan sa pagsabak sa Indie Film , nasungkit ang prestihiyosong Best Actress Award .          ...

Sa Isang Kurap Nawaldas na ng mga Korap

(Setyempre 3, 2016) Sa Isang Kurap Nawaldas na ng mga Korap             Ilang bagyo, kalamidad o delubyo na ba ang naranasan ng mga mahihirap na pamilya sa Pilipinas? Ilang sunog na ba ang nangyari na nakaligtas sila, nabuhay, napunta sa evacuation center at nagutom doon? Hindi na mabilang. Nakatala, oo, pero hindi naman binibigyang-pansin. Nakababahala, malamang, pero wala namang ginagawang aksyon. Tumutulong, marahil, pero hindi naman sapat para pagsilbihan ang napakaraming pamilyang Pilipino na nagugutom at naghihirap sa tuwing darating ang mga kalamidad o delubyong hindi naman nila napaghahandaan dahil sa kapos din naman sila sa pang-araw-araw na pagbuhay sa sariling pamilya.             Halos lahat ng Pilipino ay maniniwala kapag sinabi kong 90% ng mga nakaupo sa gobyerno ay korap. Dumating ang Ondoy at Yolanda sa Pilipinas nang parang walang tinirang buhay sa mga...