Tip sa Pagsulat ng Tula
Ang pagsulat ng tula ay hindi birong gawain. Nangangailangan ito ng mga pamantayan na susukat kung ito ba ay magiging masining o hindi. Sa kasalukuyang panahon kung saan lubos na tinatangkilik ng kabataan ang makabagong paraan ng panulaan na tinatawag ding Spoken Words Poetry, hindi maitatatwa na mahusay ang pagpapalutang ng sining sa mga akdang nalilikha nito. Maski ang mga awitin ay nagsisimula rin sa isang tula. Ito’y nilalapatan lamang ng himig upang maawit at maitanghal o maiparinig sa mga tagapagtangkilik ng sining na ito. Sang-ayon na rin sa kasaysayan, ang sinaunang mga pamayanan ay nagtatanghal ng kanilang mga oral na tradisyon gaya ng pag-awit ng mga epiko, mga elehiya, pagbigkas ng tanaga at diona, at marami pang iba na sumasalamin sa mayamang tradisyon at kultura ng mga Pilipino bago pa man tayo masakop ng mga kanluranin bansa. Ngunit paano nga ba sumulat ng tula? Lagi’t laging binabanggit na sa pagsulat ng anumang akdang pampanitikan, mahalaga ang pagk