Paglisan (Things Fall Apart) ni Chinua Achebe
Paglisan ( Things Falls Apart , Nobela mula sa Nigeria) ni Chinua Achebe Saling-buod ni Kristine Mae N. Cabales Si Okonkwo ay isang mayaman at respetadong mandirigma ng angkang Umuofia, isa sa mga katutubo ng Nigeria na bahagi ng pagsasama-sama ng siyam na magkakalapit na pamayanan. Dala-dala niya sa kaniyang kapalaran ang multo ng mga suliraning dulot ng kaniyang namayapang ama, si Unoka. Namatay ang kaniyang ama na may iniwang malaking pagkakautang sa iba’t ibang dako ng kanilang bayan. Kaya, napilitan si Okonkwo na magsipag sa buhay. Siya ay naging katiwala, mandirigma, magsasaka, at tagapagtustos sa kaniyang buong pamilya. Si Okonkwo ay mayroong labindalawang taong gulang na anak, si Nwoye na nakikitaan niya ng katamaran. Natatakot siya na ang kaniyang anak ay humantong din sa kinasadlakan ng kaniyang amang si Unoka. Bilang pakikiisa sa kasunduan ng iba pang katutubo ng Nigeria, nagkaroon ng paligsahan, at nagkamit ang tribo ng Umuofia ng isang babaeng birhen at isang la