Mga Pang-ugnay sa Pagbibigay ng Sanhi at Bunga
Paksang-Aralin
Mga
Pang-ugnay sa Pagbibigay ng Sanhi at Bunga
Sa pagtuturo ng gramatika,
hinihimay-himay ang katuturan ng bawat salita upang lubos na maunawaan ng mga
mag-aaral, at upang ito’y kanilang magamit sa angkop na mga pagkakataon. Ang
mga salitang pangnilalaman (content words) na siyang nagsasaad ng mga paksa at
panaguri ay madaling nakikilala sa tulong ng mga salitang istruktural
(functional words). Kaya masasabing bawat salita na nakapaloob sa isang
pangungusap ay nagtataglay ng iba’t ibang gampanin sa paghahatid ng tiyak na
mensahe sa komunikasyon.
Ang
yunit na ito ay nakatuon sa iba’t ibang mga pang-ugnay (connectors) na
ginagamit sa pagbibigay ng sanhi (cause) at bunga (effect) na siyang ginagamit
natin sa mabisang paglalahad ng isang pangyayari. Malalaman din dito ang
kahalagahan ng pagbibigay ng malinaw na mensahe lalo na’t nakapaloob ang
pagbibigay ng naging sanhi at ang magiging bunga nito.
Mga Layunin
Sa pagtatapos ng yunit na ito,
inaasahang ang mga mag-aaral ay:
••
Nakikilala ang mga pang-ugnay sa pagbibigay ng sanhi at bunga;
•• Natutukoy ang angkop na paggamit ng
mga pang-ugnay sa pagbibigay ng sanhi at bunga; at
•• Nakasusulat
ng tekstong may angkop na paggamit sa mga pang-ugnay sa pagbibigay ng sanhi at
bunga.
Balik-Aral
Sa nakaraang aralin, tinalakay ang mga
salitang pangnilalaman gaya ng pangngalan, pandiwa, panghalip, pang-uri, at
pang-abay. Nalinaw na sa aralin kung ano ang katuturan at mga halimbawa ng mga
salitang pangnilalaman. Ngayon, nakatuon naman ang yunit na ito sa pagtalakay
sa mga salitang istruktural o pantulong gaya ng mga pang-ugnay.
Basahin
May Natutuhan
ni Charisse P. Talatala
Isang umaga, naglalakad si Dan sa tulay ng Caingin nang bigla siyang tinawag ni Bongbong.
“Dan, baha pa rin ba sa barangay ninyo?”
“Oo, Bongbong mataas pa rin ang baha sa aming
barangay” sagot ni Dan.
“May sanhi at bunga kasi ang pagbaha” sagot ni
Bongbong.
“Bongbong, ano ba ang sanhi ng pagbaha at ano
ang bunga nito sa tao?” tanong ni Dan.
“Maraming kasing basura na nakaimbak sa mga
ilog, kanal, at sa iba pang mga daluyan ng tubig. Isa pa, ang pagputol sa mga
punong-kahoy o illegal logging. Ang
mga punong-kahoy kasi ang siyang sumisipsip sa tubig na dulot ng labis na ulan at
siyang nagpapatibay sa lupa ng mga bundok para maiwasan ang pagguho ng lupa o
landslide.
Ang sanhi ng baha ay ang pagragasa ng tubig-ulan dahil sa pagtatambak o pagpapataas sa iba’t ibang mga lugar. At ang bunga naman nito ay pagdami ng mga iba’t ibang uri ng sakit, pagkawala ng kabuhayan ng mga tao tulad ng mga pananim, at pagkamatay ng ibang mga taong na nasa lowland area,” mahabang paliwanag ni Bongbong.
“Salamat at marami akong natutunan sa iyo Bongbong, sa saglit na pagkikita natin ngayong araw, sana humupa na ang baha upang makapaglinis na ako ng mga nalubog na gamit sa bahay at barangay namin.” natutuwang sagot ni Dan.
Ang sanhi ng baha ay ang pagragasa ng tubig-ulan dahil sa pagtatambak o pagpapataas sa iba’t ibang mga lugar. At ang bunga naman nito ay pagdami ng mga iba’t ibang uri ng sakit, pagkawala ng kabuhayan ng mga tao tulad ng mga pananim, at pagkamatay ng ibang mga taong na nasa lowland area,” mahabang paliwanag ni Bongbong.
“Salamat at marami akong natutunan sa iyo Bongbong, sa saglit na pagkikita natin ngayong araw, sana humupa na ang baha upang makapaglinis na ako ng mga nalubog na gamit sa bahay at barangay namin.” natutuwang sagot ni Dan.
Sagutin
1. Tungkol
saan ang pinag-usapan ng magkaibigang Bongbong at Dan?
2. Ano-ano
ang mga sanhi ng pagbaha sa ilang mga lugar?
3. Ano-ano
naman ang nagiging bunga nito sa atin?
Talakayin
Ang
mga pahayag na nagbibigay ng sanhi
at bunga ay halimbawa ng diskursong naglalahad. Ipinaliliwanag
dito kung ano-ano ang mga dahilan ng isang pangyayari, at kung ano-ano rin ang
nagiging resulta nito. Mas magiging madali ang pag-unawa at pagbuo ng mga
pangungusap na nagbibigay ng sanhi at bunga kung angkop ang mga pang-ugnay na
ginagamit dito.
Ang mga pang-ugnay ay matatagpuan sa
gitnang ng isang pangungusap, bilang tagapag-ugnay ng isang sugnay na
makapag-iisa (independent clause) at isa o higit pang sugnay na di-makapag-iisa
(dependent clause). Maaari din namang nasa unahan ito ng pangungusap, at bantas
ang siyang naghihiwalay sa mga sugnay.
Naririto ang
mga pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng sanhi:
·
Sapagkat/Pagkat
Mga halimbawang pangungusap:
Nag-aaral ako nang
mabuti sapagkat kinakailangan kong
ipasa ang lagumang pagsusulit sa Biyernes.
‘Pagkat
iisa lamang ang buhay ng tao, nararapat lamang na sulitin niya ito.
·
Dahil/Dahilan sa
Mga halimbawang pangungusap:
Nagkasakit si Adam dahil naligo siya sa ulan at hindi agad
nakapagbanlaw.
Patong-patong na
interes sa utang, dahilan sa gahamang
mga kapitalista ang sinapit ng negosyo ni Lofel.
·
Palibhasa
Mga halimbawang pangungusap:
Palibhasa’y
mayaman kaya wala pakialam si Russel sa nasasayang niyang tuition fee sa tuwing
liliban siya sa klase.
Masarap magluto si
Anna, palibhasa’y laki sa pamilya ng
mga chef.
·
Kasi
Mga halimbawang pangungusap:
“Hindi na ako
makapapasok next semester kasi
mahina ang kita ni Tatay ngayon”, ani Karla.
Kasi
nama’y ayaw umitim, kaya hindi naglalalabas itong si Anna.
·
Naging
Mga halimbawang pangungusap:
Pagkabaon sa utang
ang naging dahilan ng pagsasara ng
tindahan ni Aling Martha.
Naging
malulungkutin si Tina nang maghiwalay sila ng nobyo.
Dapat malinaw na nailalahad ang dahilan/sanhi
ng isang pangyayari. Madali itong matutukoy kung pipiliin ang pinakaangkop na
pang-ugnay upang gamitin sa pangungusap.
Naririto
naman ang mga pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng bunga:
·
Kaya/Kaya naman
Mga halimbawang pangungusap:
Naparami ang
pagkain niya ng manggang hilaw kaya
sumakit ang kaniyang tiyan.
Kaya
dumarami ang mahirap dahil maraming korap sa pamahalaan.
·
Dahil dito
Mga halimbawang pangungusap:
Gabi na nakauwi si
Bea dahil dito nakagalitan siya ng
kaniyang ama kinaumagahan.
Patuloy pa rin ang
ilegal na pagbebenta ng droga sa kabataan dahil
dito pinaigting pang lalo ang puwersa ng kapulisan.
·
Bunga nito
Mga halimbawang pangungusap:
Talamak ang
pagputol ng mga puno sa kabundukan ng Sierra Madre, bunga nito ay biglaang pagbaha sa kanayunan.
Nagsikap sa
pag-aaral si Biboy kahit na siya ay working student, bunga nito nakapagtapos siya nang may karangalan.
Mahalagang
malaman na ang mga pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng sanhi at bunga ay
mga pangatnig na pananhi. Ang mga
pangatnig (conjunction) ay pang-ugnay na ginagamit upang pagdugtungin ang
dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa o sugnay na di-makapag-iisa.
Samantala, tinatawag namang pang-abay na
kusatibo ang sugnay na di-makapag-iisa at siyang nagsasaad ng naging
dahilan ng isang pangyayari, kalimitang pinangungunahan ito ng dahilan sa.
Dapat
tandaan na mga pang-ugnay ay nagsisilbing tagapag-ugnay (connector) ng mga
sugnay at parirala sa loob ng isang pangungusap. Kinakailangang nakikilala ang
bawat pang-ugnay na ginamit sa pagbibigay ng sanhi at bunga ng isang pangyayari
upang matiyak kung ano ba ang sanhi at
kung ano ba ang naging bunga nito.
Subukin
1.
Bumuo ng
sampung pangungusap na nagsasaad ng sanhi at bunga, gumamit ng mga angkop na
pang-ugnay sa bawat pangungusap.
2. Basahin ang seleksiyon sa ibaba,
tukuyin ang sanhi at bunga ng mga pangyayari. Salungguhitan ng isang beses ang
mga pariralang nagsasaad ng sanhi. Salungguhitan naman ng dalawang beses ang
mga pariralang nagsasaad ng bunga. Bilugan ang mga pang-ugnay na ginamit.
Seleksiyon:
“Napapansin kong lagi na lang akong pinagagalitan ni Inay,
lalo na’t kung natatalo siya sa sugal. Noong isang araw, halos mabuwal ako sa
daan nang maitulak niya ako dahil sa panggigigil, muntik rin akong masagasaan
ng paparating na sasakyan. Hindi ko alam kung bakit ganoon si Inay. Kanina,
natalo na naman siya sa sugal kaya galit na naman siyang umuwi sa amin.
Naghahanap siya ng makakain ngunit hindi pa naman ako nakapagsaing, wala naman
kasing iniwang pera si Itay. Tiyak mabubugbog na naman ako ni Inay, kaya parang
gusto ko na lang umalis, gusto kong takasan si Inay. Dali-daling binalot ko ang
mga gamit ko, aalis ako dahil hindi ko na kaya ang ginagawa sa akin ni Inay.
Paalam Inay, sana’y hindi ka na matalo sa sugal dahil wala na ako, wala na ang
malas sa buhay ni Inay.”
3. Sumulat
ng isang maikling tekstong naglalahad ng mga sanhi at bunga ng isang
pangyayari. Maaaring pumili ng anumang paksa.
Karagdagang Pagsasanay
Panuto: Dugtungan
ang sumusunod na pahayag, magbigay ng posibleng maging bunga ng mga pangyayari.
Tiyaking gumagamit ng mga angkop na pang-ugnay.
1. Umulan nang malakas kahapon_______________________________________________.
2. Naglunsad ng programang OPLAN-Sagip Kalikasan ang pamahalaang pambarangay _____.
3. Maraming nagtatapon ng basura sa ilog ________________________________________.
4. Sama-samang naglinis ng pamayanan ang mga mamamayan ng Brgy. 164 _____________.
5. Dumarami na ang mga nangangaso sa gubat _____________________________________.
2. Naglunsad ng programang OPLAN-Sagip Kalikasan ang pamahalaang pambarangay _____.
3. Maraming nagtatapon ng basura sa ilog ________________________________________.
4. Sama-samang naglinis ng pamayanan ang mga mamamayan ng Brgy. 164 _____________.
5. Dumarami na ang mga nangangaso sa gubat _____________________________________.
Paglalagom
Ang mga pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng sanhi at bunga ay: sapagkat/pagkat, dahil/dahilan sa, palibahasa, kasi, naging, kaya/kaya naman, dahil dito, at bunga nito. Ito ay mga pangatnig na pananhi na nag-uugnay sa isang sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na makapag-iisa.
Mga Sanggunian
Alfonso,
Santiago. Makabagong Balarilang Filipino
(Binagong Edisyon). Rex Book Store. Quezon City. 2003.
https://prezi.com/stsetq9e0mdq/sanhi-at-bunga/
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento