Ang Kuwento ng Batang Suwail

Ang Kuwento ng Batang Suwail
(The Story of the Bad Little Boy ni Mark Twain, 1870)
Saling-buod ni Kristine Mae Cabales

Noong araw, may isang suwail na batang lalaki ang nagngangalang Jim. Hindi gaya ng mga suwail na batang lalaking nilalaman ng mga pambatang libro na may pangalang James, ang pangalan ng batang suwail na ito ay Jim.
Wala karamdaman ang Nanay ni Jim, hindi rin ito gaya ng ibang nanay ng mga pasaway na bata sa libro ̶ yaong mga nanay na may takot sa Diyos, na nanaisin na sanang humimlay sa huling hantungan ngunit dahil sa labis na pagmamahal sa kaniyang anak at sa pag-aalala na magiging malupit ang mundo rito kung siya’y lilisan, ay kinakaya na lamang ang hirap na nararanasan. Karamihan sa mga suwail na bata sa mga libro ay nagngangalang James at may Inang may-sakit, na nagtuturo sa kanilang magsabi kapag matutulog na upang sila’y ipaghele. At pagkatapos, kapag tulog na ang anak ay luluhod sa tabi ng higaan at magsisimulang umiyak.
Ngunit iba ang batang ito, pinangalanan siyang Jim, at walang problema sa kaniyang Ina, walang sakit o kung ano pa mang idinaraing. Ang kaniyang Ina ay malakas at matapang na ginang, at hindi rin ito makadiyos. Higit sa lahat, wala siyang pakialam sa kaniyang anak na si Jim. Sinabi niya noon na kung babaliin man niya ang leeg ng anak ay hindi rin naman ito magiging kawalan. Lagi niyang pinapalo ang anak hanggang sa ito’y makatulog, ni hindi niya pa nagagawang hagkan ito. Kabaligtaran ng ibang mga nanay, ginagawa niyang manhid ang sarili sa tuwing lalabas siya sa kuwarto ng anak.
Isang araw, ang suwail na batang ito’y kinuha ang susi ng kanilang kusina, pumuslit doon, at kumuha ng matamis na jam. Nang mangalahati na ito, pinuno niya naman ang lalagyan nito ng alkitran upang hindi mapansin ng kaniyang Ina na nabawasan ito. Ngunit ni minsan hindi siya binagabag ng kaniyang konsensiya, walang bumubulong sa kaniya ng, “Tama bang hindi ka sumusunod sa iyong Ina? Sa tingin mo ba’y kasalanan ‘yang ginagawa mo? Saan kaya napupunta ang mga suwail na batang nagnanakaw at naglalaro ng jam mula sa kanilang Ina?” Hindi rin naman siya lumuhod upang ihingi ng tawad ang ginawa niyang kasalanan at nangakong hindi na ito uulitin, aalis doon nang may maluwag na kalooban at tutungo sa kaniyang Ina upang humingi ng tawad sa kaniyang ginawang pagsisinungaling, patatawarin ng Inang may mga luha ng pasasalamat dahil mayroon siyang mabuting anak. Ngunit hindi! Iyon ang mga nangyayari sa ibang mga suwail na bata sa mga libro, ngunit kaiba ang sitwasyon ni Jim, ibang-iba kumpara sa lahat.
Kinain niya ang jam at sinabing bahagi ito ng kaniyang pang-aapi habang nagyayabang. Inilagay niya rin ang alkitran at tumawa nang malakas, pinakiramdaman kung magigising ang kaniyang Ina. Nang magising ang Ina at malaman ang nangyari sa jam, itinanggi ni Jim na may alam siya ukol dito. Sa galit ng kaniyang Ina, pinalo siya nang husto at umiyak na lamang si Jim gaya ng lagi niyang ginagawa. Lahat ng pangyayari sa buhay ni Jim ay ibang-iba sa mga pangyayari sa iba pang kuwento ng mga suwail na bata sa mga libro.
     Nang minsa’y umakyat siya sa puno ng mansanas na pagmamay-ari ng magsasakang si Acorn, walang nangyaring masama sa kaniya, ni hindi siya nabalian ng binti o braso, hindi rin siya hinabol ng mabangis na aso ng magsasaka, hindi siya naratay sa higaan, nakonsensiya, at humingi ng tawad sa kaniyang ginagawang pagnanakaw, walang ganitong nangyari sa kaniya. Sa katotohanan, kinuha niya ang lahat ng mansanas na kayang niya kuhain, at umuwi nang maayos sa kanilang tahanan.
     Minsan nama’y itinago niya ang kutsilyo ng kaniyang guro, at sa takot na kapag nalaman nito’y papalauin siya sa harap ng mga kamag-aaral niya, isinilid niya ito sa sombrero ni George Wilson, ang pinakamabait na mag-aaral sa kanilang eskwela, at kilala ring mabait na bata sa kanilang lugar na mahilig magbasa ng mga pambatang libro na iba sa kuwento nila. Nang mahulog ang kutsilyo mula sa sombrero nito, namula siya at tila hiyang-hiya sa kasalanang hindi niya naman ginawa. Kawawang George, hindi naging pabor sa kaniya ang kuwento, walang saksi ang nagsalita at nagsabing, “Wala siyang kasalanan. Nakita ko ang salarin na pumunta sa gawing iyon”, hindi rin naman nabisto si Jim, hindi naabswelto si George para malinis ang kaniyang pangalan, mabuhay ng tahimik, magtapos sa pag-aaral, maging abogado, at bumuo ng isang masayang pamilya, hindi ito ang nangyari kay George. Hindi gaya ng ibang mababait na bata sa libro, naparusahan si George na siya naman ikinatuwa ni Jim. Ayaw ni Jim sa mga batang mababait. “Buti nga sa’yo, mahina ka kasi,” ang sabi ni Jim sa nagyayabang na paraan.
     At ang pinakakakaibang nangyari kay Jim ay nang mangisda siya Linggo ng umaga, hindi natamaan ng kidlat ang bangka niya, hindi rin siya nalunod. Kahit ilang beses kayong magbasa ng mga pambatang libro, lagi’t laging may nangyayaring masama sa mga suwail na bata kapag sila’y nangingisda sa ilog, lalo na tuwing Linggo. Sa mga pambatang libro, laging may suwail na batang nangingisda sa ilog tuwing Linggo, at kung hindi nalulunod ay natatamaan ng kidlat ang bangka nito, ngunit paano nangyaring nakaiwas sa ganitong trahedya si Jim?
     Tila may suwerteng dala ang buhay ni Jim, wala ni isang nakasasaling sa kaniya kahit na isa siyang suwail na bata. Hindi siya tinapakan ng elepante nang isang beses niyang bigyan ito ng tabako. Hindi rin siya nagkakamali sa paglalaro ng mga halamang-gamot para malason. Minsa’y ipinuslit niya ang baril ng ama upang mangaso, hindi rin siya naputulan ng mga daliri. Nasuntok niya rin nang malakas ang kaniyang kapatid na babae nang minsa’y magalit siya rito, ngunit hindi ito nagtampo nang mahabang panahon sa kaniya para sa huli’y magbigay ng kapatawaran sa kanilang huling hininga, hindi, nakalimutan lang din ito agad ng kaniyang kapatid. Hindi siya lumaking malungkot dahil sa ideyang mag-isa siya at walang nagmamahal sa kaniya. Lumaki siyang matapang na lasinggero na may magandang trabaho.
     Sa inaasahang gulang, ikinasal siya at nagkaroon ng malaking pamilya, at isang gabi’y naisipan niyang patayin ang mga ito gamit ang isang palakol. Nakuha niya ang kaniyang yaman sa pamamagitan ng anumang ilegal na gawain na kaniyang maisip. At ngayon, siya ay kinikilala bilang pinakamasama, pinakaganid, at pinakamagulang na mamamayan sa kanilang lugar, at itinuturing pa siyang kagalang-galang na mambabatas.
     Natunghayan natin ang kuwento ni Jim, na kung ikukumpara sa mga suwail na batang nagngangalang James sa mga pambatang libro, wala ni isa ang masuwerteng nakaiiwas sa kanilang mga kasalanan at talagang pinagpapala sa buhay. Wala ni isa kundi ang batang si Jim lang na may suwerteng taglay sa kabila ng pagiging pasaway.

-Wakas-

Mga Komento

  1. THANKYOUUU MWA MWA CHOOPCHOOP 😘

    TumugonBurahin
  2. Buod ng “Ang Kuwento ng Batang Suwail” (Mark Twain)

    Ang kuwento ay tungkol kay Jim, isang batang suwail na kakaiba sa mga karaniwang tauhan sa mga pambatang aklat. Hindi siya gaya ng ibang pasaway na batang laging napapahamak at napaparusahan. Ang kanyang ina ay malakas, walang sakit, at walang malasakit sa kanya.

    Ginawa ni Jim ang iba’t ibang maling gawain—kumain ng jam at pinalitan ng alkitran, nagnakaw ng mansanas, nanira ng gamit ng guro, nagsinungaling, nangisda tuwing Linggo, at nanakit ng kapatid—ngunit kailanman ay hindi siya naparusahan o napahamak. Sa halip, siya’y lumaking matapang, naging lasinggero, nagkaroon ng pamilya na pinaslang pa niya, at yumaman sa mga ilegal na gawain.

    Sa huli, kinilala si Jim bilang pinakamasamang mamamayan ngunit kagalang-galang pang mambabatas. Taliwas siya sa mga karaniwang kuwento kung saan ang mga batang suwail ay laging nagbabayad sa kanilang kasalanan.

    👉 Aral: Hindi lahat ng masasama ay agad napaparusahan; may mga taong nakakaligtas at nagtatagumpay kahit sila’y suwail.


    TumugonBurahin
  3. Madali:

    Ano ang ginawa ni Jim sa jam ng kaniyang Ina?
    ➡️ Kinain niya ang jam at pinalitan ng alkitran para hindi mapansin.

    Ano ang ikinaiba ng buhay ni Jim kumpara sa mga batang suwail sa mga pambatang libro?
    ➡️ Hindi siya naparusahan o napahamak kahit maraming maling ginawa.

    Ano ang naging hanapbuhay ni Jim nang siya’y lumaki?
    ➡️ Naging mambabatas siya, kahit masama at sakim ang kaniyang pagkatao.

    Mahirap:

    Ano ang ipinapakita ng pagkakaiba ng kapalaran ni Jim sa mga batang suwail sa ibang kuwento tungkol sa pananaw ng lipunan sa kabutihan at kasamaan?
    ➡️ Ipinapakita nito na sa totoong buhay, may masasama ring nakaliligtas sa kaparusahan at nagtatagumpay, taliwas sa aral ng mga aklat pambata.

    Ano ang aral na maaaring makuha mula sa pagkakaroon ni Jim ng magandang buhay sa kabila ng kaniyang masasamang gawain?
    ➡️ Na hindi palaging makatarungan ang mundo; may mga pagkakataong ang mga suwail ay pinagpapala, kaya’t kailangang maging mapanuri at huwag umasa na laging nagwawagi ang kabutihan.

    TumugonBurahin
  4. Gamma rays are applied in many fields. In medicine, they are used in radiotherapy to kill cancer cells and in PET scans for diagnosis. In industry, they sterilize equipment, preserve food, and inspect materials for hidden flaws. They are also important in scientific research and space observation.

    TumugonBurahin
  5. Here’s a short but complete report about Gamma Rays, with the sections you requested:

    Report on Gamma Rays Introduction

    Gamma rays are the highest-energy form of electromagnetic radiation. They have extremely short wavelengths and high frequencies, allowing them to penetrate most materials. They are produced naturally by radioactive decay, cosmic events, and artificially in nuclear reactions.

    Uses of Gamma Rays

    Gamma rays are applied in many fields. In medicine, they are used in radiotherapy to kill cancer cells and in PET scans for diagnosis. In industry, they sterilize equipment, preserve food, and inspect materials for hidden flaws. They are also important in scientific research and space observation.

    Advantages of Gamma Rays Can kill harmful bacteria, viruses, and cancer cells. Useful for sterilizing medical tools and preserving food. Provides deep imaging and detection in science and industry. Disadvantages of Gamma Rays Overexposure can damage healthy cells and DNA. Can cause radiation sickness, burns, or cancer with unsafe use. Requires expensive equipment and thick shielding for safety. Conclusion

    Gamma rays are powerful and useful forms of radiation with wide applications in medicine, industry, and science. However, because of their high energy and health risks, they must be used with caution and proper safety measures.

    Do you want me to also translate this report into Tagalog so you’ll have both English and Filipino versions?

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PAMILYA ORDINARYO: Hubad na Suri sa Isang Realistik na Pelikula

Sikolohiya sa Loob ng Ilang Awitin ni Gary Granada at mga Kwento ng Pakikibaka sa mga Lunggating Maka-Pilipino

Mga Pang-ugnay sa Pagbibigay ng Sanhi at Bunga