Pokus ng Pandiwa: Direksiyonal at Sanhi

Sa mga naunang yunit, natalakay na natin ang pagtukoy sa pokus ng pandiwa sa tagaganap, layon, pinaglalaanan, at kagamitan. Sa araling ito matatalakay naman natin ang pokus ng pandiwa sa direksiyon at sanhi bilang paksa ng pangungusap.
Suriin at analisahin natin ang pagtalakay at mga halimbawang ibibigay.
Pokus sa Direksiyon
Masasabing nasa pokus direksiyonal ang pandiwa kung ang paksa ay nagsasaad ng direksiyon ng kilos ng pandiwa sa loob ng isang pangungusap. Ang mga panlaping malimit na ginagamit dito ay -an/-han.
Halimbawa:
Pinuntahan ng batang si Jim ang puntod ng yumaong Ina sa Antipolo.
     Kung mapapansin, gumamit ng pariralang tumutukoy sa isang lugar sa siyang nagsilbing paksa ng pangungusap. Ito rin ang pinatutungkulan ng pandiwa “pinuntahan”.
     Gawin nating patanong ang pangungusap, “Saan pinuntahan ng batang si Jim ang puntod ng yumaong Ina?” (sa Antipolo)
Iba pang hallimbawa.
Nag-akyatan ang mga deboto sa grotto ng Bulacan.
     Muli, makikita natin na ang lugar na tinukoy ay ang pinatutungkulan ng pandiwa “nag-akyatan”. Tanong: Saan nag-akyatan ang mga deboto? (sa grotto ng Bulacan)
Pokus sa Sanhi
     Ang pandiwa ay nakapokus sa sanhi kung ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng kilos. Ang mga panlaping malimit na gamitin ay i-, ika-, at ikapang-.
Halimbawa:
Iniluha na lamang ng Ina ang pagiging suwail ng kaniyang anak.
     Tingnan ang pariralang “ang pagiging suwail ng kaniyang anak” bilang paksa ng pangungusap. Mahalagahang nauunawaan ang kabuuang diwa ng pangungusap upang matukoy ang paksang pinagtutuunan dito.
Iba pang halimbawa:
Ikinahirap ng kanilang pamilya ang palagian niyang pagsusugal.
Ikinagalit ng batang suwail ang pagpapahiya sa kaniya ng matandang babae.
     Suriin ang mga pangungusap sa itaas batay sa mga pinatuunang parirala. Madaling makikita ang ugnayan ng mga pandiwang ginamit at ng “sanhi” ng pagkilos nito.

Paalaala: Sa pagtukoy ng pokus ng pandiwa, lagi’t laging tandaan na mahalagang maunawaan ito sa pamamagitan ng pag-unawa sa buong diwa. Ang pagbubuo ng tanong upang matukoy ang paksa ay pantulong lamang, ngunit may mga pagkakataon na maraming tanong ang maaaring mabuo na magdudulot ng kalituhan, kaya marapat na unawain at suriin ang buong pangungusap kung ano ba talaga ang pinag-uusapan dito.

Mga Komento

  1. Your Affiliate Money Making Machine is waiting -

    Plus, earning money online using it is as easy as 1--2--3!

    Here's how it works...

    STEP 1. Tell the system which affiliate products you want to promote
    STEP 2. Add PUSH BUTTON traffic (it takes JUST 2 minutes)
    STEP 3. See how the system grow your list and sell your affiliate products all by itself!

    Are you ready to make money automatically?

    Your MONEY MAKING affiliate solution is RIGHT HERE

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Salitang Magkakatulad at Magkakaugnay

Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo