Digong VS De5

(Setyembre 3, 2016)

Digong VS De5
“If I were De Lima, ladies and gentlemen, I’d hang myself”’, ani Mayor Digong.
Mabigat ang mga salitang binibitawan ni Mayor sa kanyang kaalitang si Sen. Leila De Lima. Nakatutuwang isipin na ang lider ang bansa ay mahinahong nakikipagpalitan ng argumento sa kapwa nito politico. Para sa ilang kritiko ni Mayor, negatibo ang katapangan ipinakikita ng Pangulo sapagkat marami itong nasasagasaang malalaking tao. Ngunit para naman sa nakararaming Pilipino na matagal nang naghihintay ng pagbabago, ito’y isang kagalakan.
Ilang administrasyon at ilang pangulo na rin ang nagpapalit-palit sa posisyon ngunit ‘ni isa mayroon bang naglakas ng loob na ugatin at puksain ang ugat ng kahirapan at korapsyon sa bansa? Wala. Puro pagpapabango lamang sa kanilang pangalan, at oo pagpapaunlad sa bansa ngunit hindi rin naman nasusugpo ang kahirapan na nagpapahirap sa nakararaming Pilipino. Talamak pa rin ang krimen, na ang karaniwang nagiging biktima ay mga inosente. At ngayong mga kriminal ang napapatay, naaalarma ang maraming ipokritong mapagmarunong.
Nakatatawa lamang na para nasa kabilang bahagi ang inaabutan ng tulong nitong Sen. De Lima na ito. Naging DOJ Secretary pa naman din siya ngunit hindi nagiging pantay ang pagbibigay niya ng hustisya para sa lahat. Nasaan siya noong mga panahong natatakot ang mga sambayanan sa kaliwa’t kanang patayan sa kalsada, panggagahasa, panghoholdap, panloloob ng kabahayan? Oo, sabihin nang ginagawa niya ang lahat ngutni naging sapat ba?
Kung uugatin natin ang rason ng mga krimen sa paligid, lahat ito ay maaaring iugnay sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Ilang buhay at kinabukasan ng kabataan ang sinisira ng droga sa kasalukuyan, ilang pamilya ang winawasak nito? Hindi mabilang.
Kaya hindi rin masisisi si Mayor kung bakit nagpag-iinitan niya si Sen. De Lima, o hindi naman napag-initan dahil sa mga ebidensyang lumalabas na lantarang ipinakikita ni Mayor sa publiko, na siyang bago rin sa ating nakasanayan, lumalabas ang pagkakasangkot ng Senadora.
Para sa mga ordinaryong Pilipino, mag-antay na lamang kung sino ba ang unang susuko at sino ba ang unang masusukol. Kaabang-abang ang susunod ng kabanata ng Droga Seryeng ito. Baka hindi na lamang scandal ni Sen. De Lima ang mabunyag, maging ang tagong yaman, tagong kabit, tagong anak at iba pang pinakatago-tagong baho nito. Abangan na lamang natin.

-FIN





Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Pokus ng Pandiwa: Direksiyonal at Sanhi

Mga Salitang Magkakatulad at Magkakaugnay

Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo