Hangin sa Araneta

Iba ang hangin sa Araneta. Nakatatangay ng pangarap. Binubugbog nito ang mga panaginip ko sa tuwing dilat naman ako ngunit sadyang marami naglalaro sa balintataw.

Iba ang hangin sa Araneta. Pinasisikip nito ang maluwag kong mundo. At hindi ako pinapatakas para gawin ang mga totoo kong gusto.

Iba ang hangin sa Araneta. Nagsisilang ng mga bulong, ng mga ugong, ng mga dagundong na lalong nagpapalakas sa tibok ng puso ko kahit hindi ko na malaman kung para saan pa tumitibok ito.

Iba ang hangin sa Araneta. May kasamang alikabok, na sumasanib sa napupulbos kong mithiin, ang layuning magawa ang tunay na isinisigaw ng damdamin.


Kay lupit ng hangin sa Araneta.

-FIN

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Pokus ng Pandiwa: Direksiyonal at Sanhi

Mga Salitang Magkakatulad at Magkakaugnay

Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo