Ice Cream
Noong bata ako, lagi kong inaabangang bumagal ang ikot ng ice cream na ito sa isang factory na katapat ng iskwater na kinatitirikan ng aming bahay. Nang minsang pag-uwi ko galing eskwela, nakita ko itong nakahinto. Hindi ko alam kung bakit, pero nakaramdam ako ng lungkot sapagkat naging bahagi na ito ng pang-araw-araw na dapithapon ko. Ngayon, natutunghayan ko ang ice cream na ito mula sa ibabaw, kabahagi ng ako ng isang factory na malapit sa iskwater, naaalala ko ang pagkabata ko. Ngunit bumabalik ang lungkot ko, dahil baka 'pag tumigil ang ikot nito, magaya rin ako sa kinasadlakan ni Itay.
-FIN
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento