PAPEL

Ang mga papel ay mananatiling mga papel na lamang
na pagdating ng araw ay maaaring malukot at sunugin
At sa puntong iyon ang papel ay magiging abo
Abong may kalayaang lumipad saan man nito gusto.

Sa pagkakataong iyon, magpapasalamat sa papel na iyon
sa hindi mo sa kaniya pagpapahalaga.
Dahil sa wakas, nakalaya ka na siya sa pagkakagapos mula sa iyo
Hindi na niya kailangang intindihan kung paano ka mapasasaya
At hindi na niya kailangang unawaan ang kalungkutan mo
sa tuwing kasama mo siya.

Sa wakas, malaya na ang papel na wala naman talaga papel sa pagkapapel niya.


-FIN

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Pokus ng Pandiwa: Direksiyonal at Sanhi

Mga Salitang Magkakatulad at Magkakaugnay

Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo