Subukan nating magsulat ng script (Failed)
Ika-12 ng Mayo 2017
7:56AM
Tatangkaing magsulat. Wala pang maisip na paksa. Alt+Tab.
7:59AM
Kukuwentahin na naman niya kung magkano ang sasahurin niya sa a-kinseng darating. Biyernes pa lang ngayon. Sa Lunes pa ang sahod. Lugmok ang weekend.
Php 535.00 x 10 days = Php 5 350.00
Hindi niya pa sigurado kung bayad 'yung unang araw dahil Holiday. Mayo Uno!
Wala naman na siyang magagawa. Magsisimula na sa trabaho habang umiinom ng mainit na kape. Tataas na naman ang acid niya.
8:16AM
Kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isip niya. Dangan ba naman kasing nag-load siya pero wala namang siyang ka-text. Nanghihinayang tuloy siya sa bente na sinayang niya. Naiinis din siya sa mga kapitalistang nagpamudmod ng mga sim card na napapaso kapag hindi nalo-loadan nang matagal.
8:21AM
Maya't maya niya rin binabantayan ang kilos ng mga kasama niya. Pangiti-ngiti para kunwa'y may nag-e-exist siya. Pero hindi niya pa rin kasi mahanap ang kiliti ng mga ito. O wala siyang interes na hanapin.
8:31AM
Antagal umalis ng Boss niya. Nakikipaghuntahan ito sa mga katrabaho niya sa likod. Tiyak makikita siya at kukuwestiyonin kung ano ang kaniyang ginagawa. Baka malagot siya.
8:36AM
Akalain mo 'yun, ang bilis lang, nakaapat na linggo na siya. Hindi pa rin siya masaya. Pero kahit papaano, komportable naman na siya sa puwesto niya.
9:08AM
Hanggang ngayon wala pa rin siyang maisip na paksa para sa gusto niyang isulat. At ubos na ang kape niya. Simula pa lang ng araw. Nagsisimula na ring mangalay ang kaniyang katawan. Sa laki ng hita niya at dahil hindi niya abot ang sahig talaga mananakit ang kaniyang katawan. Isa sa dahilan kung bakit hindi pa rin niya masabing gustong-gusto niya ang bagong trabaho.
May report siya sa Linggo. Nabasa na niya nang paulit-ulit, naintindihan naman niya pero tiyak marami siyang hindi masasabi kapag nagsimula na siyang mag-ulat. Ganoon naman palagi ang nangyayari, feeling matalino siya kapag walang nanonood sa kaniya pero kapag kaharap na ang maraming tao, nauutal siya.
10:29AM
Nag-restart ang kompyuter. Nag-set ng update. Kumikita ang mga kompanya sa maya't mayang update na hindi naman naiintindihan ng mga ordinaryong gumagamit ng PC?
Bumaba siya saglit para pirmahan ang ni-request niyang ID. Nag-request pa siya. Kinalimutan na kasi ata siya ng HR. Inakala na ayos na sa isang empleyado ang sumweldo, kahit wala nang identidad sa kompanya. Pero iba siya, pinapahalagahan niya lahat ng kaniyang karapatan.
Pero wala pa rin siyang maisip na isulat. Kung ang buhay niya na lang kaya sa loob ng opisina? Hindi na rin masama. Baka nga mas makilala niya pa ang sarili.
Nakasalpak ang earphones. Ayaw niyang mamansin ng iba. Alt+Tab.
12:26PM
Nakakain na siya. May panibago ng lakas para gawin ang kaniyang trabaho. Medyo naging mabusisi ang ginagawa niyang ngayong proyekto pero hindi pa rin siya makapag-isip kung ano ba ang kaniyang isusulat. Kahit tungkol sa kaniyang sarili, hindi niya pa rin alam kung paano sisimulan. Mapapabilang na lang ata siya sa kulumpon ng mga nangangarap maging manunulat ngunit paralisado ang utak. Kawawang nilalang,
Naisip niya na lang ang usapan nila ng kaniyang kaibigan:
Arturo: Ang cute mo hahahahaha
Siya: (seen)
Sinasabi sa sarili na 'wag kang mag-reply, magbibigay lang iyan ng bagong kulay sa pag-asa niyang baka mapansin mo siya. Inaya ka niya kagabi pero hindi mo tinanggahin, sinagot mo ng 'depende', pagpapaasa. Hindi kita tinuruan ng ganyan.
Teka, mali na ako ng POV. Balik tayo sa kaniya.
12:32PM
Iniisip niyang matulog pero alas y medya na. Pero baka puwede pa, tulog pa naman ang katrabaho niyang nagbabantay sa kilos ng lahat. Pero heto bumangon ang bagong gising na boss, baka mag-ikot ulit, maigi nang kunwa'y may ginagawa.
Natawa na lang siya isiping baka balang araw, hangaan ng lahat ang kaniyang ginagawa, tapos maging isang inspirasiyon siya, at ipalabas ang kaniyang buhay sa MMK. Ayaw niya sa Magpakailanman dahil solidong Kapamilya siya. Papasok na naman sa isip niya ang kaniyang paksa sa ulat, kung paano nilalamangan ng mga kapitalistang may hawak ng malalaking network na ito kanilang tagapagtangkilik. Sinasabi lang nila na: Utang na loob namin sa inyo ang lahat ng karangalang ito. Maraming salamat! Utang ina niyo, talaga nga namang utang niyo iyan sa amin. At panghabambuhay na ata kayong magkakautang dahil hindi niyo naman kami nababayaran. Kung sinisingil niyo kami dahil sa panandaliang pang-uuto niyo sa amin, ay kawawa naman pala kami.
Pumasok ang dalawang On-the-Job Trainee. Siguro ang esensiya ng OJT ay para maging bukas ang mga estudyanteng ito sa iba't ibang opsiyon. Handa ba silang magpatali sa 8-oras na trabaho kapalit ng walang-dudang-mababang-pasahod? O gugustuhin na lang nilang umatras sa pagtatapos at maging bata ulit? Kailan kaya maibibigay ang opsiyon na ito sa kaniya?
Balik sa trabaho. Alt+Tab.
P.S. Ano kaya kung Alt+Tab na lang ang gawin niyang pamagat?
12:58PM
Ito na, pumipikit na naman ang kaniyang mga mata. Hindi pa siya puwedeng magtimpla ng kape dahil hanggang mamaya pa siyang alas singko. Tiyak magugutom siya maya-maya kaya mamaya niya na lang titimplahin ang natirang pakete ng 3n1 sa drawer, kasabay ng nabawasan niyang biskwit kaninang noong nagutom siya.
1:06PM
Hindi na niya mapigilan ang pagpikit ng mata. . . . . . . . . . .
1:33PM
Nagising ang kaluluwa niya sa nakatutulirong tunog. Kung wala lang siya sa siyudad, iisipin niyang tunog ng isang elepanteng umiiyak o di kaya'y si Destiny, isang balyenang nabaril ng mga mandaragat. Pinatay para lang sa pansariling interes. O kaya'y hinuli para paglaruan. Pero hindi, nasa opsina siya, nakatirik sa highway ang building na kaniyang pinagtatrabahuan, napakaimposible. Marahil, dulot din ng kaniyang antok ang mas malawak na imahinasyon sa mga oras na ito. Pero naipipikit na naman niya ang kaniyang mga mata, malapit na. Alt+Tab.
1:41PM
Natutuwa siyang masyadong sa mga librong ineedit niya, stereotyping. Bata pa lang talaga sinisimulan na tayong kontrolin ng mga nakatatanda. At kapag tayo naman ang tumanta't nagkaposisyon, tayo na ang bahalang kumontrol sa mga nakababata sa atin. Napakalupit lang. Walang kawalan. Lalo na iyong mga walang kalaban-laban. Kaya kapag nasa aktuwal na sitwasyon na tayo nahihirapan na tayong isapraktika ang idinidikta sa atin ng mga libro dahil ideyal nga ang nandoon, samantalang tayo, tao lang, marupok, mahina, makitid, malapit sa tukso.
1:58PM
Amazing kung paanong naisusulat niya ang lahat ng ito. Kahit na marami siyang dapat gawin at intindihin. Siguro nga, aspiring writer siya, sa panaginip (pwe).
Pero naisip niya, may potensiyal naman talaga siya, hindi iilan ang pumuri sa ilan niyang mga gawa. Ang kaso, gaya ng itinuturo ng libro,tumataktak sa tao ang mga masasakit na salitang binibitawan ng iba. Kaya siguro hanggang ngayon stuck-up pa rin siya. Hindi naniniwala sa sariling kakayahan kasi may mga taong hindi rin naniniwala sa kaniya.
May silbi rin pala talaga ang libro.
Dumaan din si Ate mula sa canteen. Naglalako ng walang kamatayang kwek-kwek. Nakaka-miss naman ang mga araw na nagdaan sa Teresa. Noong malaya pa siyang maging malaya sa Sintang Paaralan. Ngayon, pinutol na ang kalayaang ito, nilagyan ng selyo para hindi na tumubong muli. Kailan kaya siya ulit lalaya?
2:06PM
Bawat oras pala na inilalagay niya ay katumbas ng isang Atl+Tab.
Nagsisimula nang sumakit ang kaniyang ulo. Hindi utak. Hindi sa wala siyang utak, kundi dahil hindi naman ito ang nahahawakan niya. Pero sabi nila, ayon sa siyensiya, utak daw talaga ang sumasakit, iyong parang tumitibok, dahil nagmamahal na ito. Punyemas. Mali pala, sumasakit dahil nagiging abnormal ang daloy ng oxygen sa mga ugat. O di ba, science iyon, so may utak na ba ako?
Nakatutuwa na para lang bigyan ka ng label na matalino, kailan mo munang makabisado ang lahat ng pilosopiya sa mundo. Posible ba iyon? Marahil, oo, sa iba, 'wag kang umasang sa atin, kasi hindi ka nga makapagbasa. Pero 'wag kang mag-alala, hindi ka naman itinuturing na obob, ang kundisyon ng utak mo ay tolerable. Nauunawaan ka pa at nauunawaan mo pa ang mga bagay-bagay.
Nagsisimula nang umepekto ang vicks. Alt-Tab.
2:32PM
Malala na siya. Sa tingin ko, nagdedeliryo. Bigla-bigla andaming niyang gustong gawin sa buhay. Gustong maging scriptwriter. Bumili ng libro. Mag-publish ng libro. Magbasa ng libro. At magkalat sa sangkalibruhan. Magkakalat lang naman siya ng virus doon, at magsasayang lang siya ng oras, pera, at libro. Gaya ng mga librong binili niya noon. Wala naman siya ni isang natapos doon. Kahambugan lamang ang isang kahon at isang malaking plastic na mga librong iniuwi niya. Nagpagawa pa siya ng kabinet para doon pero hindi naman niya binabasa. Kanser talaga.
3:18PM
...
KINABUKASAN
9:40AM
Hindi niya na alam ang nangyari kahapon. Hindi dahil sa lasing siya kasi hindi naman siya uminom. May tinatapos lang siyang gawain, at hola! Uwian na!
TGIF! Ang post niya pero bakit parang hindi siya masaya?
Tatangkaing ipagpatuloy para sa araw na ito...

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento