The Art of Letting Go: Pagsusuri sa Awiting Nagpapalakas at Nanghahamon sa Mapagpalayang Puso
Kristine Mae N. Cabales
MAF 102
Gawain Blg. 4 (Agosto 13, 2016)
The Art of Letting Go: Pagsusuri sa Awiting
Nagpapalakas at Nanghahamon
sa
Mapagpalayang Puso
“Ang pagmamahal ay
pagpapalaya
Ang hayaan siyang
lumipad papalayo sa’yo
Ay ang pinakamasakit ngunit
pinakamatapang mong desisyon
Kung pagmamahal ang
pagtanaw lamang sa’yo mula sa malayo
Tatanggapin ko.
Tatanawin pa rin kita
nang buong pagmamahal
Tatanawin ko mula sa
malayo ang iyong paglago”
-Tinay
Carilla
Mahirap
makalimot ang puso. Lalo na ang pusong nasaktan. Ngunit ang totoong nagmamahal
ay marunong magpalaya. Ang totoong nagmamahal ay hindi makasarili.
Sa awiting The Art Of Letting Go ipinakita ang
pinakamahirap na bahagi ng paghihiwalay, ang tuluyang pagpapalaya sa isa’t isa,
ang tuluyang paglayo, ang paniwalain ang sarili sa palasak na kasabihang “kung
kayo, kayo talaga”. Ngunit hindi magiging madali ang lahat. Kinakailangan ng
matibay na puso upang harapin nang may tapang ang proseso ng tinatawag na moving-on.
Maraming bagay
ang pilit magpapaalala kung ano ang mayroon kayo noon. Paboritong kainan tuwing
lumalabas kayo isang beses sa isang linggo o tuwing monthsary ninyo at paboritong pagkain na pinagsasaluhan ninyo. Mga
pelikulang pinanood ninyo sa sinehan habang naglalambingan sa madilim na bahagi
ng balkonahe. Ang mga bagay na ginagawa ninyong dalawa kapag rest day at gusto ninyo lamang makasama
ang isa’t isa. Mga couple shirt na
isinusuot kapag may pagdiriwang kasama ang mga kaibigan at kapamilya upang
ipakita ang wagas na pagmamahalan ninyong dalawa. Higit sa lahat, ang mga larawan,
mga larawan ng ‘di malilimutang karanasan ninyong dalawa, mga larawan ninyo
tuwing nagdiriwang kayo ng inyong monthsary,
mga larawan ng ilang Paskong magkasama kayo, ng ilang kaarawan, ng mga halik, ng
mga yakap, ng mga ngiting wagas na para sa isa’t isa, mga larawan ng masayang
kayo. Isa sa nagpapahirap sa paglimot ay ang mga larawan ng inyong mga alaala.
Ngunit minsan
ang mga larawang ito ang magbibigay sa’yo ng pag-asa na baka mayroon pa, na
baka pwede pa, na buksan mo lang ang isipan mo sa ideyang baka mayroon pang
ikalawang pagkakataon. Ito ang bumubuhay sa kaunting pag-asa sa puso mo na baka
hanggang sa dulo kayo pa rin talaga ang para sa isa’t isa. Kalayaan mo pa ring
piliin kung ano ang nais mong paniwalaan, ang gusto mong panghawakan.
Totoong
nakadudurog ng pagkatao ang pagiging broken-hearted
na parang literal na nahati ang puso mo at dala-dala palayo ng taong nang-iwan
sa’yo ang kalahati nito. Naging kulang ka. May malaking bahagi ang nawala ngunit
kailangan mong maging matapang. Kailangan mong maging malakas. Kailangan mong
harapin ang katotohanang wala na sa’yo ang taong ilang taon mo ring iningatan,
inalagaan at minahal. Mahirap ngunit kailangan mong matutunan sa sarili mo ang
proseso ng paglayo at pagtungo sa panibagong mundo nang hindi siya kasama.
Ngunit paano
kung hindi mo talaga kayang magpalaya? Paano kung hindi mo talaga kayang
lumayo? Paano kung nananatili pa rin siya sa puso mo? At ang bawat alaala
ninyong dalawa ay buhay sa alaala mo. Ano ang gagawin mo? Mananatili ka lang
bang naghihintay? Umaaasa? Hanggang sa malunod sa kalungkutan at pagkabigo?
Madaling
sabihing mag-move-on ka na, hayaan mo
na siya. Pero paano kung ikaw mismo ang nakararamdam ng sakit, at nadudurog ka
araw-araw dahil sa kirot ng sugat na hindi naman nakikita ng mata? Handa ka ba
talagang magpalaya? Sa totoo lang, puro tanong lang din ang naiiwan sa taong
naghihintay. Hanggang kailan? Kakapit ka pa rin ba kahit bumitaw na siya?
Sa huli,
paniniwalain mo na lang ang sarili mo na kakayanin mo. Kakayanin kong mabuhay
ng wala ka. Kakayanin kong lagpasan ang isang araw at ang mga araw ng wala ka.
Ngunit hindi madali ang lahat. Kailangan mo munang patibayin ang puso para sa
pagbibitaw mo ng matapang na desisyon.
Ang pagmamahal
ay pagpapalaya. Ang hayaan siyang lumipad papalayo saýo ang pinakamasakit
ngunit pinakamatapang mong desisyon. Kung pagmamahal ang pagtanaw saýo mula sa
malayo, tatanawin kita nang buong-pagmamahal. Tatanawin ko ang iyong paglago.
Mahirap man bumitaw sa alaala ng masayang kayo, pangangailangan ito.
Pangangailangan upang kapwa kayo lumago. Pangangailangan upang muling maging
buo at matutong magmahal sa pangalawang pagkakataon.
Masarap ang
pakiramdam ng nagmamahal at minamahal. Ngunit sa huli, kung hindi talaga kayo
ang para sa isa’t isa, kailangang matutunan ang paglayo at pagpapalaya.
Sapagkat ang nagmamahal ay hindi makasarili. Ang nagmamahal ay nagpapalaya.
-FIN
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento