TULA



Hindi ako marunong sumulat ng tula
Lalo na yaong may sukat at tugma
Hindi ko kilala ang tanaga
Lalo na sa pagpili ng tamang letra
Hindi ako sanay sa pagbigkas
Dahil di ko alam kung tama ba ang emosyon
Hindi ko kilala ang tugma
Umaayaw ako sa kaangkupan.

Hindi ko maikulong sa titik
Ang mga emosyon
Hindi ko mahawakan ang kariktan ng dulog
Hindi ko kabisado ang talinhaga
Hindi ko mayakap ang alusyon

Nakapapagod tumula
Lalo’t hindi ka marunong sumulat
Nang may sukat at tugma


-FIN

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Pokus ng Pandiwa: Direksiyonal at Sanhi

Mga Salitang Magkakatulad at Magkakaugnay

Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo