“Yosi Break”


Sa wakas, makakatayo na rin sa kinauupuan si Arman. Pagkatapos niyang kumain kaninang alas dose at naupo, hindi na siya muling tumayo. Ngayon na lang ulit. Yosi break na, sa wakas. Makakahinga na ulit siya. Dahil sa tambak na gawain, lalo atang sumisikip ang dibdib niya. Hindi siya makahinga.

“Hindi na umabot sa ospital ang isang mid-40 na empleyado ng isang call center company, matapos atakin sa puso. Tinitingnan din ang iba pang anggulo sa pagkamatay ng lalaki. Kung ito ba’y may kinalaman sa init na dala ng panahon.”


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Pokus ng Pandiwa: Direksiyonal at Sanhi

Mga Pang-ugnay sa Pagbibigay ng Sanhi at Bunga

Mga Salitang Magkakatulad at Magkakaugnay