Ako si Stella Fate

Ngayong araw, naisip ko ang ngalang Stella Fate. Stella Fate, babaeng-babae pakinggan. Siguro kung magkakaanak ako, papangalanan kong Stella Fate. Ngunit parang tunong mahina? Pangalanan ng babaeng mahinhin, malamang na maging hikain, tahimik, at walang kalaban-laban. Hindi kaya ganoon tingnan ng ibang tao ang pangalang Stella Fate? O baka naman isiping masyadong maka-Alta ang pangalan. Tunog-mayaman. Pero hindi, ito ang naglalarawan sa akin. Stella, salitang Espanyol na nangangahulugang “bituin o tala”, at Fate, para sa tadhana. Sapagkat naniniwala akong lahat ng nangyayari sa buhay ay nakadikta nang mangyari sa atin. Hindi na natin maaaring pangunahan ang posibleng mangyari dahil sa una pa lang hindi naman natin nalalaman kung ano ba ang posibleng mangyari sa atin sa hinaharap, dahil nabubuhay pa lamang tayo sa kasalukuyan. At dahil naniniwala akong mayroong Diyos na nagkokontrol, pinaniniwalaan ko ring kontrolado Niya ang lahat ng bagay na tuwirang kaugnay ng mga bagay na maaaring makapagpabago ng buhay ko. Kahit noon pa man, niyayakap na rin natin ang ganitong paniniwala dahil nasanay tayo sa “Bahala na”, kung saan ipinagpapasa-Bathala  na natin ang mga desisyon natin na walang kasiguraduhan dahil naniniwala tayong mayroong dahilan ang lahat ng bagay. Kaya wala naman sigurong mali sa pangalang Stella Fate. Simula ngayon, ako na si Stella Fate sa panulat.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Pokus ng Pandiwa: Direksiyonal at Sanhi

Mga Pang-ugnay sa Pagbibigay ng Sanhi at Bunga

Mga Salitang Magkakatulad at Magkakaugnay