Mga Post

Kailangan Kong Mag-Blog!

Matagal-tagal na ring hindi nakapagsusulat dahil masyadong maraming gustong gawin sa buhay! Pero dahil nga sa isinasaayos ko ang mga blogging account/sites ko, kailangan kong mag-update. Wala namang masyadong bago! Bukod sa maraming binago sa akin ang panahon. Kung maganda ba o hindi, hindi rin ako sigurado. Ngunit alam ko, marami nang nagbago. Hindi na ako tulad ng dati. Hindi na kasinghina noon.  Marahil, masyado ko na ring niyakap ang lungkot kaya hindi ko na mapagkaiba ito sa ibang damdaming na nananahan sa akin. Nakatatawang isipin, pero iyon ang katotohanan. Hindi sa hindi mo ginagawan ng paraan ang 'yong sariling pag-unlad, ngunit ito na ang tanging opsyon na ibinibigay sa iyo ng mga sirkumtansya sa paligid mo na hindi mo naman na maitatatwa dahil bumubungad na harap mo. Kung ano't ano man, isa lang ang sigurado--marami pa akong kuwento! -Fin, 09.05.2020

Paglisan (Things Fall Apart) ni Chinua Achebe

Paglisan ( Things Falls Apart , Nobela mula sa Nigeria) ni Chinua Achebe Saling-buod ni Kristine Mae N. Cabales Si Okonkwo ay isang mayaman at respetadong mandirigma ng angkang Umuofia, isa sa mga katutubo ng Nigeria na bahagi ng pagsasama-sama ng siyam na magkakalapit na pamayanan. Dala-dala niya sa kaniyang kapalaran ang multo ng mga suliraning dulot ng kaniyang namayapang ama, si Unoka. Namatay ang kaniyang ama na may iniwang malaking pagkakautang sa iba’t ibang dako ng kanilang bayan. Kaya, napilitan si Okonkwo na magsipag sa buhay. Siya ay naging katiwala, mandirigma, magsasaka, at tagapagtustos sa kaniyang buong pamilya. Si Okonkwo ay mayroong labindalawang taong gulang na anak, si Nwoye na nakikitaan niya ng katamaran. Natatakot siya na ang kaniyang anak ay humantong din sa kinasadlakan ng kaniyang amang si Unoka. Bilang pakikiisa sa kasunduan ng iba pang katutubo ng Nigeria, nagkaroon ng paligsahan, at nagkamit ang tribo ng Umuofia ng isang babaeng birhen at isang la

Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo Isa ang nobelang El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal sa mga natatanging akda na naisulat at tumatak sa kasaysayan ng rebolusyon at pagkilos ng lahing Pilipino. Kasunod ito ng naunang nobelang Noli Me Tangere na nailimbag noong Pebrero 1887 sa Berlin, Germany. Nang taong din iyon, nagpasya si Rizal na bumalik sa Pilipinas makalipas ang limang taon ng paglalakbay at pag-aaral sa Europa upang muling makapiling ang kaniyang pamilya at makapaglingkod sa kaniyang bayan bilang isang manggagamot. Ngunit dahil sa kontrobersiyang dala ng kaniyang unang nobela na naipakalat na rin sa Pilipinas, napilitan siyang lisanin ang bansa at muling maglakbay sa Europa dahil sa mga banta sa kaniyang buhay at kaligtasan ng kaniyang pamilya. Dulot ng kaniyang mga namalas na pagbabago’t mga suliranin sa kaniyang bayan dahil sa mapang-aping pamamalakad ng mga ganid na prayle, muling sumikdo ang pagnanais ni Rizal na lumaban sa pamamagitan ng kaniyang pan

Tip sa Pagsulat ng Tula

Ang pagsulat ng tula ay hindi birong gawain. Nangangailangan ito ng mga pamantayan na susukat kung ito ba ay magiging masining o hindi. Sa kasalukuyang panahon kung saan lubos na tinatangkilik ng kabataan ang makabagong paraan ng panulaan na tinatawag ding Spoken Words Poetry, hindi maitatatwa na mahusay ang pagpapalutang ng sining sa mga akdang nalilikha nito. Maski ang mga awitin ay nagsisimula rin sa isang tula. Ito’y nilalapatan lamang ng himig upang maawit at maitanghal o maiparinig sa mga tagapagtangkilik ng sining na ito.   Sang-ayon na rin sa kasaysayan, ang sinaunang mga pamayanan ay nagtatanghal ng kanilang mga oral na tradisyon gaya ng pag-awit ng mga epiko, mga elehiya, pagbigkas ng tanaga at diona, at marami pang iba na sumasalamin sa mayamang tradisyon at kultura ng mga Pilipino bago pa man tayo masakop ng mga kanluranin bansa.   Ngunit paano nga ba sumulat ng tula?   Lagi’t laging binabanggit na sa pagsulat ng anumang akdang pampanitikan, mahalaga ang pagk

Pokus ng Pandiwa: Direksiyonal at Sanhi

Sa mga naunang yunit, natalakay na natin ang pagtukoy sa pokus ng pandiwa sa tagaganap , layon , pinaglalaanan , at kagamitan . Sa araling ito matatalakay naman natin ang pokus ng pandiwa sa direksiyon at sanhi bilang paksa ng pangungusap. Suriin at analisahin natin ang pagtalakay at mga halimbawang ibibigay. Pokus sa Direksiyon Masasabing nasa pokus direksiyonal ang pandiwa kung ang paksa ay nagsasaad ng direksiyon ng kilos ng pandiwa sa loob ng isang pangungusap. Ang mga panlaping malimit na ginagamit dito ay -an / -han. Halimbawa : Pinuntahan ng batang si Jim ang puntod ng yumaong Ina sa Antipolo .      Kung mapapansin, gumamit ng pariralang tumutukoy sa isang lugar sa siyang nagsilbing paksa ng pangungusap. Ito rin ang pinatutungkulan ng pandiwa “pinuntahan”.      Gawin nating patanong ang pangungusap, “Saan pinuntahan ng batang si Jim ang puntod ng yumaong Ina?” ( sa Antipolo ) Iba pang hallimbawa. Nag-akyatan ang mga deboto sa grotto ng Bulacan .      Mu

Mga Salitang Magkakatulad at Magkakaugnay

Sa pag-unawa ng panitikan, malaki ang ginagampanang tungkulin ng wika bilang daluyan ng kaayusan nito. Ang isang mambabasa ay maaaring umugat ng pag-unawa sa akda batay sa mga salitang pamilyar sa kaniya. Ayon sa mga pag-aaral, mas nagiging matagumpay ang pag-unawa sa mga akda o tekstong kung nasusulat ito sa katutubong wika. Magkagayunman, may mga hakbangin din tungo sa pag-unawa ng akda o teksto batay sa umiiral na wika at daloy ng pahayag sa kuwento. Suriin ang mga salita sa ibaba. §   mabango–mahalimuyak–masamyo §   maganda–kaakit-akit–maayos May mga salita na akala nati’y magkakaparehas lamang ang gamit dahil halos magkaparehas ito ng nais ipakahulugan. Ngunit mali, ang bawat salita ay may inaangkupang pangungusap depende sa diwa o mensaheng nais ihayag nito. Halimbawa : Mabango ang bulaklak ng sampagita. Masamyo ang pabangong iyong ginamit. Mahalimuyak ang iyong buhok.      Kung susuriin ay ginamit sa iba’t ibang antas ang mga halimbawang salita. “Mabango” pang

Ang Kuwento ng Batang Suwail

Ang Kuwento ng Batang Suwail ( The Story of the Bad Little Boy ni Mark Twain, 1870) Saling-buod ni Kristine Mae Cabales Noong araw, may isang suwail na batang lalaki ang nagngangalang Jim. Hindi gaya ng mga suwail na batang lalaking nilalaman ng mga pambatang libro na may pangalang James, ang pangalan ng batang suwail na ito ay Jim. Wala karamdaman ang Nanay ni Jim, hindi rin ito gaya ng ibang nanay ng mga pasaway na bata sa libro ̶ yaong mga nanay na may takot sa Diyos, na nanaisin na sanang humimlay sa huling hantungan ngunit dahil sa labis na pagmamahal sa kaniyang anak at sa pag-aalala na magiging malupit ang mundo rito kung siya’y lilisan, ay kinakaya na lamang ang hirap na nararanasan. Karamihan sa mga suwail na bata sa mga libro ay nagngangalang James at may Inang may-sakit, na nagtuturo sa kanilang magsabi kapag matutulog na upang sila’y ipaghele. At pagkatapos, kapag tulog na ang anak ay luluhod sa tabi ng higaan at magsisimulang umiyak. Ngunit iba ang batang ito