Mga Post

Emotionally Damaged K--

“Pero iniwan mo ako ‘nun” Habang abala ako kagabi sa harap ng aking “bagong ayos” na laptop (hindi pa rin ako makaget-over sa gastos, bruh), sumusulyap-sulyap din ako ng panonood sa Goblin. Hindi naman talaga ako sumusubaybay pero nasusundan ko ang kuwento dahil common sense lang naman ang pag-unawa sa mga teleserye o kung anuman na may ganoong tema. “Common sense”, bago ako awayin ng mga nag-aadik sa Kdrama, hindi negative ang ibig kong sabihin sa “common sense”. Lahat ng bagay ng trending o viral ay nagiging common o pangkaraniwan na lamang sa ating sense o kamalayan. Kaya isa pang pag-unawa sa “common sense” ay ang pagiging kolektibo ng kamalayan ng mga taong tumatangkilik sa isang partikular na penomena, o di ba, nailusot! Pero iyon talaga ‘yun. Ito ang linya... “Pero iniwan mo ako ‘nun...” Kasabay ng pagpungay ng mga mata ng bidang babae na tila nagbabadya ng pagpatak ng luha. At kasabay rin nito ay ang pamumuo ng luha sa gilid ng aking mata. Alam kong korni, pero...

Hindi na kita mahal

Hindi na kita mahal Hindi...na...kita...mahal! Mahal, hindi na kita mahal. Matagal-tagal na rin... Hindi ko tinutukoy yaong tagal ng pagkakawalay Ngunit ang tagal nang magsimulang mawala ang pagmamahal. Aaminin ko, kumapit pa tayo, ako Pero ang totoo, Hindi na kita mahal. Patawad, Pero nagsimula ito Noong nagkukuwento ako Habang ikaw nakatututok sa phone mo Galak na galak ako noon Unang beses akong napuri sa trabaho At ikaw, napasigaw Dahil 49% lang ang attack mo. Tanda mo pa, Iyong ginabi ako sa daan Nagpasundo ako sa’yo Pero ang sabi mo malaki na ako Nakatatawa lang, Kasi noong nanligaw ka, baby ang tawag mo Kaya sabi mo susundui’t ihahatid mo ako. E yung unang away nating dalawa? Tanda mo pa ba? Yung nag-chat yung ex ko Tapos galit na galit ka Umiyak ka noon at nagsorry ako. Pero naalala mo rin ba nung Nagparamdam yung ex mo, Nakangiti ka noong sinabi At tinanong kung nagseselos ba ako. Hindi ako sumagot. N...

Ang Paglalakbay ni Hercules

Ang Paglalakbay ni Hercules (mula sa starsandseas.com) Saling-buod ni Stella Fate               Nagsimula ang kuwento ni Hercules sa kuwento ng kaniyang ama na si Zeus, ang diyos ng kalawakan. Si Zeus na diyos din ng mga diyos ay mayroong asawang si Hera, na kaniya ring kapatid. Dahil imortal, inakala ni Zeus na maaari niyang makuha ang lahat ng babaeng kaniyang nanaisin. Sa tuwing nababalitaan ni Hera ang pakikipagsiping ni Zeus sa iba’t ibang babae, hindi masukat ang galit nito. Isa sa mga babaeng nagustuhan ni Zeus ay nagngangalang Alcmene, isang mortal. Nagbunga ng kambal ang pakikipagsiping ni Zeus sa tao. Ngunit ang kambal na ito’y hindi magkatulad ng anyo. Ang isa’y iniluwal na kasinlaki nang anim na buwang bata at may kulay pulang buhok, pinangalanan siyang Hercules. Pinaniwalaan ng lahat na si Hercules ay tunay na anak ng isang diyos.             Nang lu...

Ang Keyboard Warriors at ang Citizen Journalism

Ang Keyboard Warriors at ang Citizen Journalism: Sipat sa mga Sitwasyong Pang-Media ni Kristine Mae N. Cabales Introduksiyon             Nakaugat sa sikolohiya ng lahing Pilipino ang pagpapahalaga sa kapuwa bilang pundamental na bahagi ng kaniyang pamumuhay. Binibigyan natin ng kakaibang pagtingin ang kahalagahan ng pakikipagkapuwa at ang magaang pakikipag-ugnayan sa kapuwa. Ang kapuwa para sa atin ay hindi “iba” gaya ng pagpapakahulugan ng Ingles na “others”. Ang kapuwa (tayo) ay itinuturing nating kabahagi ng panloob na aspekto ng bawat indibiduwal. Ang ganitong obserbasyon ng pakikipagkapuwa ng mga Pilipino ay sinusuportahan ng mga artikulong inilabas ng Inquirer.net sa mga nagdaang taon. Matagal nang kinikilala ang Pilipinas bilang “text messaging capital of the world” base sa bilang ng pagkonsumo ng pre-paid at post-paid loads. Taong 2015 naman nang ilabas ang artikulong kumikilala sa bansa bilang “most social nati...

Nosyon ukol sa Kulturang Umiiral sa Kasalukuyang Pamahalaan: Suri at Hambing

Nosyon ukol sa Kulturang Umiiral sa Kasalukuyang Pamahalaan: Suri at Hambing ni Kristine Mae N. Cabales Introduksiyon Isang dekada ang nakalipas, nakapaglathala si Jenifer Padilla ng isang artikulo na naglalahad ng kalagayan ng sining at kultura sa panahon ng globalisasyon. Ito ang iniulat ko sa klase namin sa Kulturang Popular. Payak lamang ang pagpapaliwanag at pagbibigay ng mga halimbawa ni Padilla, kaya agad ko namang naunawaan ang paksang aking tatalakayin sa klase. Direkta niyang iniugnay sa gobyerno ang mga kulturang umiral sa panahong iyon at ang mga suliraning panlipunan na idinudulot nito sa atin. Tayo bilang kasapi ng tinatawag na ‘bayan’ na siyang dapat pinaglilingkuran at dapat na naglilingkod din dito ay may responsibilidad na makialam sa mga ganitong klaseng isyu. Gaya nga ng sinabi ni Bienvenido L. Lumbera, pambansang alagad ng sining, ang diwa ng nasyonalismo (pagkamakabayan) ay makapangyarihan, ito ang humuhugis at nagbibigay lakas hanggang sa matupad ang lah...

Ako si Stella Fate

Ngayong araw, naisip ko ang ngalang Stella Fate. Stella Fate, babaeng-babae pakinggan. Siguro kung magkakaanak ako, papangalanan kong Stella Fate. Ngunit parang tunong mahina? Pangalanan ng babaeng mahinhin, malamang na maging hikain, tahimik, at walang kalaban-laban. Hindi kaya ganoon tingnan ng ibang tao ang pangalang Stella Fate? O baka naman isiping masyadong maka-Alta ang pangalan. Tunog-mayaman. Pero hindi, ito ang naglalarawan sa akin. Stella, salitang Espanyol na nangangahulugang “bituin o tala”, at Fate, para sa tadhana. Sapagkat naniniwala akong lahat ng nangyayari sa buhay ay nakadikta nang mangyari sa atin. Hindi na natin maaaring pangunahan ang posibleng mangyari dahil sa una pa lang hindi naman natin nalalaman kung ano ba ang posibleng mangyari sa atin sa hinaharap, dahil nabubuhay pa lamang tayo sa kasalukuyan. At dahil naniniwala akong mayroong Diyos na nagkokontrol, pinaniniwalaan ko ring kontrolado Niya ang lahat ng bagay na tuwirang kaugnay ng mga bagay na maaaring ...

Edukasyong Anti-Filipino

Ang lahat ng wika sa mundo ay sumasalamin sa pagkatao ng bawat lahi. Ang paglimot at pag-eetsa puwera sa wika ay katumbas ng pagtalikod sa lahi. Bilang guro sa Filipino, hindi ko maiwasang mabagabag, o guilty ang tamang term. Wala akong kuwentang guro. Hindi ko magawang itaas sa isandaang porsiyento ang pagiging maalam ng aking mga estudyante sa kaligiran ng pagka-Pilipino. Oo, hindi ko kasalanan ang lahat. Ngunit naniniwala akong malaki dapat ang ginagampanan kong tungkulin sa pagpapaunlad ng kamalayan ng kabataan sa ngayon. Hindi na ako nagtuturo sa kasalukuyan, at nalulungkot ako dahil ito ang pinili kong landas. Para sana sa sarili kong pag-unlad, para magkaroon ng panibagong karanasan. Ang kaso, mukhang nagkamali ako ng desisyon. Mukhang kahit papaano’y may magagawa ako upang makatulong, kung babalik ako sa pagtuturo. Hindi biro ang pagiging isang guro. Napakarami ng gawain sa loob at labas ng silid-aralan. Napakaraming bagay ang pilit ipinapagawa at hinihingi sa kag...