Pokus ng Pandiwa: Direksiyonal at Sanhi
Sa mga naunang yunit, natalakay na natin ang pagtukoy sa pokus ng pandiwa sa tagaganap , layon , pinaglalaanan , at kagamitan . Sa araling ito matatalakay naman natin ang pokus ng pandiwa sa direksiyon at sanhi bilang paksa ng pangungusap. Suriin at analisahin natin ang pagtalakay at mga halimbawang ibibigay. Pokus sa Direksiyon Masasabing nasa pokus direksiyonal ang pandiwa kung ang paksa ay nagsasaad ng direksiyon ng kilos ng pandiwa sa loob ng isang pangungusap. Ang mga panlaping malimit na ginagamit dito ay -an / -han. Halimbawa : Pinuntahan ng batang si Jim ang puntod ng yumaong Ina sa Antipolo . Kung mapapansin, gumamit ng pariralang tumutukoy sa isang lugar sa siyang nagsilbing paksa ng pangungusap. Ito rin ang pinatutungkulan ng pandiwa “pinuntahan”. Gawin nating patanong ang pangungusap, “Saan pinuntahan ng batang si Jim ang puntod ng yumaong Ina?” ( sa Antipolo ) Iba pang hallimbawa. Nag-akyatan ang mga deboto sa grotto ng Bulacan . Mu