Mapangmatang Inglesero o Kinulang sa Pagka-Pilipino
Mapangmatang Inglesero o Kinulang sa Pagka-Pilipino ni Kristine Mae N. Cabales Malaking hamon para sa mga nagtuturo ng asignaturang Filipino ang maipamulat sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng Filipino bilang Wikang Pambansa. Malimit itong nawawaglit dahil higit na pinagtutuunang pansin ang pag-aaral ng Ingles bilang wikang kinikilalang unibersal. Sampal sa isang guro kung ang mag-aaral ay magiging banyaga sa sarili niyang wika at kultura. Lalo na’t itinatakwil at minamaliit ang wikang dapat sana’y ipinagmamalaki upang maging kasangkapan sa pag-unlad. Ika-24 ng Agosto 2011 nang ilathala ni James Soriano, isang Atenista, ang kanyang kolum na pinamagatang Language, Learning, Identity, Privilege . Ang kolum na ito ay anti-Filipino, na tumatalakay sa Ingles bilang wika ng karunungan at Filipino bilang wika lamang ng mga katulong, tindera, drayber at ib...