Mga Post

PAMILYA ORDINARYO: Hubad na Suri sa Isang Realistik na Pelikula

(Setyembre 17, 2016) PAMILYA ORDINARYO: Hubad na Suri sa Isang Realistik na Pelikula                         Gaya ng ibang Indie Film , ang Pamilya Ordinaryo ni Eduardo Roy Jr. ay tumatalakay rin sa palasak na paksang mauunawaan at maiuugnay sa totoong buhay ng nakararami. Mula sa salitang ordinaryo o karaniwan, ang pelikula ay naglaman ng istorya  na maaaring iugnay sa pangkaraniwang buhay ng isang tipikal na pamilyang Pilipino. Ngunit gaano kaordinaryo ang pamilya Ordinaryo?             Si Aries Ordinaryo na ginampanan ni Ronwaldo Martin ay isang 17 taong gulang na batang kalye na asawa naman ng 16 taong gulang na si Jane na ginampanan ni Hasmine Killip, na bagaman baguhan sa pagsabak sa Indie Film , nasungkit ang prestihiyosong Best Actress Award .          ...

Sa Isang Kurap Nawaldas na ng mga Korap

(Setyempre 3, 2016) Sa Isang Kurap Nawaldas na ng mga Korap             Ilang bagyo, kalamidad o delubyo na ba ang naranasan ng mga mahihirap na pamilya sa Pilipinas? Ilang sunog na ba ang nangyari na nakaligtas sila, nabuhay, napunta sa evacuation center at nagutom doon? Hindi na mabilang. Nakatala, oo, pero hindi naman binibigyang-pansin. Nakababahala, malamang, pero wala namang ginagawang aksyon. Tumutulong, marahil, pero hindi naman sapat para pagsilbihan ang napakaraming pamilyang Pilipino na nagugutom at naghihirap sa tuwing darating ang mga kalamidad o delubyong hindi naman nila napaghahandaan dahil sa kapos din naman sila sa pang-araw-araw na pagbuhay sa sariling pamilya.             Halos lahat ng Pilipino ay maniniwala kapag sinabi kong 90% ng mga nakaupo sa gobyerno ay korap. Dumating ang Ondoy at Yolanda sa Pilipinas nang parang walang tinirang buhay sa mga...

Digong VS De5

(Setyembre 3, 2016) Digong VS De5 “If I were De Lima, ladies and gentlemen, I’d hang myself”’, ani Mayor Digong. Mabigat ang mga salitang binibitawan ni Mayor sa kanyang kaalitang si Sen. Leila De Lima. Nakatutuwang isipin na ang lider ang bansa ay mahinahong nakikipagpalitan ng argumento sa kapwa nito politico. Para sa ilang kritiko ni Mayor, negatibo ang katapangan ipinakikita ng Pangulo sapagkat marami itong nasasagasaang malalaking tao. Ngunit para naman sa nakararaming Pilipino na matagal nang naghihintay ng pagbabago, ito’y isang kagalakan. Ilang administrasyon at ilang pangulo na rin ang nagpapalit-palit sa posisyon ngunit ‘ni isa mayroon bang naglakas ng loob na ugatin at puksain ang ugat ng kahirapan at korapsyon sa bansa? Wala. Puro pagpapabango lamang sa kanilang pangalan, at oo pagpapaunlad sa bansa ngunit hindi rin naman nasusugpo ang kahirapan na nagpapahirap sa nakararaming Pilipino. Talamak pa rin ang krimen, na ang karaniwang nagiging biktima ay mga inosente...

Wikang Filipino sa Utak-Kolonyal at/o Pusong Pilipino

(Setyembre 3, 2016) Wikang Filipino sa Utak-Kolonyal at/o Pusong Pilipino                 Ang Pilipinas ay isang arkipelago o bansang binubuo ng maraming pulo. At kalikasan ng isang arkipelago ang pagiging multi-lingual . Naisip ng dating Pangulong Manuel L. Quezon na pangangailangan ng ating bansa ang pagkakaroon ng Wikang Pambansa. Wikang magbubuklod sa isang bansang nagsasalita ng iba’t ibang wikain. Wikang magsisilbing mukha ng ating kasarinlan.             Taong 1935 nang pormal na ipag-utos ng dating Pangulo MLQ ang paghahanap ng wikang pagbabatayan ng magiging Wikang Pambansa ng Pilipinas. Nabuo ang Surian ng Wikang Pambansa na siyang naghain ng sumusunod na pamantayan kung ano-ano ba ang katangiang dapat na taglayin ng magiging Wikang Pambansa. Taong 1937, sa bisa ng Batas Kom. napagtibay na ang pagbabatayan ng magiging Wikang Pambansa ng P...

HBD

“Nagising akong kinukumot ang lungkot sa madaling araw ng aking kaarawan. Hindi ko alam kung ito ba talaga ang dapat na maramdaman sa dalawampu’t apat na taong paghinga. Sa mabilis na pagpapalit ng mga taon, isa ito sa hindi ko gusto.” Pupungas-pungas pa siya, at nakapikit pang bumangon mula sa higaan. Ika-24 niyang kaarawan. Walang bago. Mali, bago ito sa kaniya. Dahil ito ang pinakamalungkot sa lahat. Pakiramdam niya’y maraming kulang sa kaniya, o kaya walang-wala siya. Walang kaibigan, walang pamilya, walang pera, wala pati ang sarili niya, nawawala siya. Mabilis siyang kumilos para makapasok nang maaga. Ayaw niyang manatili sa bahay. Ayaw niyang maabutan siya ng mga bagong gising na kasama sa bahay. Ayaw niyang batiin siya ng mga ito. Ayaw niyang may makaalam na kaarawan niya. Mag-iisang buwan na siyang wala sa sarili. Kung ano-ano na hinahanap niya sa internet para lang makatulong sa kaniya. Pero wala itong kongkretong bagay na maibigay. Kung puwede lang sanang mabi...

BAWAL ni Sheryl Lyn C. Certeza

BABANGON, magsisipilyo, magsasalok, maliligo. Titingnan ko ang orasan, pasado alas-sais na naman. Magmamadaling maglagay ng pulbo sa mukha at wax sa buhok. Sasakay ng traysikel Sasakay ng dyip. Pagbaba, magmamadaling maglakad patungong hagdan habang nakikipag-unahan sa mga taong nagmamadaling makarating sa patutunguhan gaya ko. Pagdating sa hagdan na animo’y finish line , mag-uunahan sa pila sila ate at kuya. Pagkapanhik, pipilang muli. Kani-kaniyang pabilisan sa paghakbang ang bawat nilalang. Kakapa ang aleng maputi ang buhok sa kaniyang bag.  Maglalabas ng pitaka si ateng nakauniporme na may bitbit na libro. Lilingon-lingon naman ang ateng naka-grin na animo’y may hinahanap. Isusuksok ko ang aking kamay sa’king bulsa. Bibilang ako ng labinlimang barya. Sa wakas, nakakuha na ng malutong na plastik na korteng parihaba kapalit ng mga baryang binilang ko kanina. Pagpasok sa loob, maghahanap ako ng mapupuwestuhan. ‘Yong maluwag-luwag. ‘Yong walang gaanong ta...

“Misteryo sa pagitan ng mga oras na alas dos at alas tres” ni Kristine Mae N. Cabales

“Nanginginig ang buo kong katawan. Kinakapos na ako ng hininga. Nanlalabo na rin ang aking mata. Wala nang buhay ang mga katabi ko. Duguan ang kamay ko pero alam ko sa sarili ko na buhay pa ako. Nais kong maluha, nais kong malunod sa bumabahang sariling luha. Pagod na pagod na ako.” Napahawak na lang ako sa parteng kumikirot nang malaman kong nahulog na pala ako sa aking higaan. Ngunit sa halip na maluha, napangiti ako. “Panaginip lang pala, salamat”, ang nasambit ko. Naalimpungatan man, nahagip pa rin ng mga mata ko ang orasan. Mag-aalas tres pa lang ng madaling araw. Saktong alas dos kwarenta y singko, ang pagitan ng mga oras na ito ang labis na kinatatakutan ko. Oo, takot ako, takot na takot na mas pipiliin ko na lamang maihi sa salawal kaysa lumabas pa ng bahay para makapagbanyo kahit na ihing-ihi na ako. Oo, nasa labas ang banyo namin. Paulit-ulit ko ngang tinatanong si Inay kung bakit naisip nilang sa labas ng aming bahay magpalagay ng banyo. Itinatanong ko ito s...