Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Mayo, 2017

PAMILYA ORDINARYO: Hubad na Suri sa Isang Realistik na Pelikula

(Setyembre 17, 2016) PAMILYA ORDINARYO: Hubad na Suri sa Isang Realistik na Pelikula                         Gaya ng ibang Indie Film , ang Pamilya Ordinaryo ni Eduardo Roy Jr. ay tumatalakay rin sa palasak na paksang mauunawaan at maiuugnay sa totoong buhay ng nakararami. Mula sa salitang ordinaryo o karaniwan, ang pelikula ay naglaman ng istorya  na maaaring iugnay sa pangkaraniwang buhay ng isang tipikal na pamilyang Pilipino. Ngunit gaano kaordinaryo ang pamilya Ordinaryo?             Si Aries Ordinaryo na ginampanan ni Ronwaldo Martin ay isang 17 taong gulang na batang kalye na asawa naman ng 16 taong gulang na si Jane na ginampanan ni Hasmine Killip, na bagaman baguhan sa pagsabak sa Indie Film , nasungkit ang prestihiyosong Best Actress Award .             Ang dalawang karakter sa pelikula ay naging batang magulang ni Baby Arjan. Pinagsamang Aries at Jane ang pangalang ibinigay sa batang wala pang tatlumpung araw mula nang isilang. Mga karaniwang batang lansangan na

Sa Isang Kurap Nawaldas na ng mga Korap

(Setyempre 3, 2016) Sa Isang Kurap Nawaldas na ng mga Korap             Ilang bagyo, kalamidad o delubyo na ba ang naranasan ng mga mahihirap na pamilya sa Pilipinas? Ilang sunog na ba ang nangyari na nakaligtas sila, nabuhay, napunta sa evacuation center at nagutom doon? Hindi na mabilang. Nakatala, oo, pero hindi naman binibigyang-pansin. Nakababahala, malamang, pero wala namang ginagawang aksyon. Tumutulong, marahil, pero hindi naman sapat para pagsilbihan ang napakaraming pamilyang Pilipino na nagugutom at naghihirap sa tuwing darating ang mga kalamidad o delubyong hindi naman nila napaghahandaan dahil sa kapos din naman sila sa pang-araw-araw na pagbuhay sa sariling pamilya.             Halos lahat ng Pilipino ay maniniwala kapag sinabi kong 90% ng mga nakaupo sa gobyerno ay korap. Dumating ang Ondoy at Yolanda sa Pilipinas nang parang walang tinirang buhay sa mga nasalanta. Oo, nagdagsaan ang tulong ngunit ang tanong, naging sapat ba? Nakatulong bang talaga? Dahil kung

Digong VS De5

(Setyembre 3, 2016) Digong VS De5 “If I were De Lima, ladies and gentlemen, I’d hang myself”’, ani Mayor Digong. Mabigat ang mga salitang binibitawan ni Mayor sa kanyang kaalitang si Sen. Leila De Lima. Nakatutuwang isipin na ang lider ang bansa ay mahinahong nakikipagpalitan ng argumento sa kapwa nito politico. Para sa ilang kritiko ni Mayor, negatibo ang katapangan ipinakikita ng Pangulo sapagkat marami itong nasasagasaang malalaking tao. Ngunit para naman sa nakararaming Pilipino na matagal nang naghihintay ng pagbabago, ito’y isang kagalakan. Ilang administrasyon at ilang pangulo na rin ang nagpapalit-palit sa posisyon ngunit ‘ni isa mayroon bang naglakas ng loob na ugatin at puksain ang ugat ng kahirapan at korapsyon sa bansa? Wala. Puro pagpapabango lamang sa kanilang pangalan, at oo pagpapaunlad sa bansa ngunit hindi rin naman nasusugpo ang kahirapan na nagpapahirap sa nakararaming Pilipino. Talamak pa rin ang krimen, na ang karaniwang nagiging biktima ay mga inosente

Wikang Filipino sa Utak-Kolonyal at/o Pusong Pilipino

(Setyembre 3, 2016) Wikang Filipino sa Utak-Kolonyal at/o Pusong Pilipino                 Ang Pilipinas ay isang arkipelago o bansang binubuo ng maraming pulo. At kalikasan ng isang arkipelago ang pagiging multi-lingual . Naisip ng dating Pangulong Manuel L. Quezon na pangangailangan ng ating bansa ang pagkakaroon ng Wikang Pambansa. Wikang magbubuklod sa isang bansang nagsasalita ng iba’t ibang wikain. Wikang magsisilbing mukha ng ating kasarinlan.             Taong 1935 nang pormal na ipag-utos ng dating Pangulo MLQ ang paghahanap ng wikang pagbabatayan ng magiging Wikang Pambansa ng Pilipinas. Nabuo ang Surian ng Wikang Pambansa na siyang naghain ng sumusunod na pamantayan kung ano-ano ba ang katangiang dapat na taglayin ng magiging Wikang Pambansa. Taong 1937, sa bisa ng Batas Kom. napagtibay na ang pagbabatayan ng magiging Wikang Pambansa ng Pilipinas ay ang Wikang Tagalog. May ilang umalma, partikular ang mga Cebuano at Hiligaynon ng kabisayaan, ngunit nang lumaon ay t

HBD

“Nagising akong kinukumot ang lungkot sa madaling araw ng aking kaarawan. Hindi ko alam kung ito ba talaga ang dapat na maramdaman sa dalawampu’t apat na taong paghinga. Sa mabilis na pagpapalit ng mga taon, isa ito sa hindi ko gusto.” Pupungas-pungas pa siya, at nakapikit pang bumangon mula sa higaan. Ika-24 niyang kaarawan. Walang bago. Mali, bago ito sa kaniya. Dahil ito ang pinakamalungkot sa lahat. Pakiramdam niya’y maraming kulang sa kaniya, o kaya walang-wala siya. Walang kaibigan, walang pamilya, walang pera, wala pati ang sarili niya, nawawala siya. Mabilis siyang kumilos para makapasok nang maaga. Ayaw niyang manatili sa bahay. Ayaw niyang maabutan siya ng mga bagong gising na kasama sa bahay. Ayaw niyang batiin siya ng mga ito. Ayaw niyang may makaalam na kaarawan niya. Mag-iisang buwan na siyang wala sa sarili. Kung ano-ano na hinahanap niya sa internet para lang makatulong sa kaniya. Pero wala itong kongkretong bagay na maibigay. Kung puwede lang sanang mabi

BAWAL ni Sheryl Lyn C. Certeza

BABANGON, magsisipilyo, magsasalok, maliligo. Titingnan ko ang orasan, pasado alas-sais na naman. Magmamadaling maglagay ng pulbo sa mukha at wax sa buhok. Sasakay ng traysikel Sasakay ng dyip. Pagbaba, magmamadaling maglakad patungong hagdan habang nakikipag-unahan sa mga taong nagmamadaling makarating sa patutunguhan gaya ko. Pagdating sa hagdan na animo’y finish line , mag-uunahan sa pila sila ate at kuya. Pagkapanhik, pipilang muli. Kani-kaniyang pabilisan sa paghakbang ang bawat nilalang. Kakapa ang aleng maputi ang buhok sa kaniyang bag.  Maglalabas ng pitaka si ateng nakauniporme na may bitbit na libro. Lilingon-lingon naman ang ateng naka-grin na animo’y may hinahanap. Isusuksok ko ang aking kamay sa’king bulsa. Bibilang ako ng labinlimang barya. Sa wakas, nakakuha na ng malutong na plastik na korteng parihaba kapalit ng mga baryang binilang ko kanina. Pagpasok sa loob, maghahanap ako ng mapupuwestuhan. ‘Yong maluwag-luwag. ‘Yong walang gaanong tao. M

“Misteryo sa pagitan ng mga oras na alas dos at alas tres” ni Kristine Mae N. Cabales

“Nanginginig ang buo kong katawan. Kinakapos na ako ng hininga. Nanlalabo na rin ang aking mata. Wala nang buhay ang mga katabi ko. Duguan ang kamay ko pero alam ko sa sarili ko na buhay pa ako. Nais kong maluha, nais kong malunod sa bumabahang sariling luha. Pagod na pagod na ako.” Napahawak na lang ako sa parteng kumikirot nang malaman kong nahulog na pala ako sa aking higaan. Ngunit sa halip na maluha, napangiti ako. “Panaginip lang pala, salamat”, ang nasambit ko. Naalimpungatan man, nahagip pa rin ng mga mata ko ang orasan. Mag-aalas tres pa lang ng madaling araw. Saktong alas dos kwarenta y singko, ang pagitan ng mga oras na ito ang labis na kinatatakutan ko. Oo, takot ako, takot na takot na mas pipiliin ko na lamang maihi sa salawal kaysa lumabas pa ng bahay para makapagbanyo kahit na ihing-ihi na ako. Oo, nasa labas ang banyo namin. Paulit-ulit ko ngang tinatanong si Inay kung bakit naisip nilang sa labas ng aming bahay magpalagay ng banyo. Itinatanong ko ito s

Sa Pintuan ng LRT ni Elgen B. Azura

Alas-siyete ng umaga. Makikita na ang babaeng nakasuot ng uniporme ng isang kilalang Unibersidad. Marahang naglalakad patungo sa bilihan ng ticket sa istasyon ng LRT. Nakataas ang noo habang umiindayog ang balakang. Sumingit pa ito sa pila. Walang pakialam kahit nakasimangot na ang dalagita at nakairap sa kanya. Taas-noo pa itong tumingin sa mga katabi, partikular na sa isang lalaki. Mababakas sa suot ng lalaki na maayos at disente ang trabaho. Napangiti ang lalaki. Tumingin sa likod ng babae. Napansin naman ito ng babae at dahan-dahan itong tumingin sa kanyang likod at napangiti. Pagkabili ng ticket, isinuksok ng babae ang ticket sa animo’y bunganga na palaging gutom at segu-segundo kung kumain. Pumasok siya sa loob ng istasyon at naghintay sa pagdating ng LRT. Sumunod sa kanya ang lalaki na hindi inaalis ang pagkakatingin sa kanyang likuran. Dinukot ng lalaki ang mamahaling panyo sa bulsa at pinunasan nito ang pawis sa mukha habang niluluwagan ang kurbata. Maya’t maya rin it

Teresame ni Mariane Joy Alindogan

                           Rriiinnnggg!! Rriiiinnnngggg!! Rrrriiiinnnnggg!! Tatlong beses nang tumutunog ang alarm ng telepono ko pero hindi pa rin ako bumabangon. Riinnggg!! Sa pang-apat na tunog, tiningnan ko ang aking telepono. Biglang bangon sa kama, sabay kuha ng mga gamit pampaligo. Sampung minuto lang nilagi sa banyo pagkatapos sabay labas. Tumingin sa orasan. Alas syete na. Nagmamadaling magbihis, maglagay ng lipstick, konting suklay sa buhok. Saka tingin ulit sa orasan, alas syete pa rin. Nagtataka pero may tatlumpung minuto pa para bumili ng pagkain sa labas. Pansit bihon na na naman. Madami ng estudyanteng naglalakad sa kalye patungo sa pamantasan. Mga estudyanteng nakauniporme, maayos ang mukha, posturang-postura at may ilan din namang hindi naligo, may mga  mukha ding bagong gising tulad ko, nagmamadali dahil baka hindi na naman umabot sa unang nilang klase sa umaga at sari-sari pang taong nasa kalye. “Ano sa’yo, iha?” Dalawang beses pa inulit. Nabigla

Hangin sa Araneta

Iba ang hangin sa Araneta. Nakatatangay ng pangarap. Binubugbog nito ang mga panaginip ko sa tuwing dilat naman ako ngunit sadyang marami naglalaro sa balintataw. Iba ang hangin sa Araneta. Pinasisikip nito ang maluwag kong mundo. At hindi ako pinapatakas para gawin ang mga totoo kong gusto. Iba ang hangin sa Araneta. Nagsisilang ng mga bulong, ng mga ugong, ng mga dagundong na lalong nagpapalakas sa tibok ng puso ko kahit hindi ko na malaman kung para saan pa tumitibok ito. Iba ang hangin sa Araneta. May kasamang alikabok, na sumasanib sa napupulbos kong mithiin, ang layuning magawa ang tunay na isinisigaw ng damdamin. Kay lupit ng hangin sa Araneta. -FIN

“Yosi Break”

Sa wakas, makakatayo na rin sa kinauupuan si Arman. Pagkatapos niyang kumain kaninang alas dose at naupo, hindi na siya muling tumayo. Ngayon na lang ulit. Yosi break na, sa wakas. Makakahinga na ulit siya. Dahil sa tambak na gawain, lalo atang sumisikip ang dibdib niya. Hindi siya makahinga. “Hindi na umabot sa ospital ang isang mid-40 na empleyado ng isang call center company, matapos atakin sa puso. Tinitingnan din ang iba pang anggulo sa pagkamatay ng lalaki. Kung ito ba’y may kinalaman sa init na dala ng panahon.”

INAY

“Napapansin kong lagi na lang akong pinagagalitan ni Inay, lalo na’t kung natatalo siya sa sugal. Noong isang araw, halos mabuwal ako sa daan nang maitulak niya ako dahil sa panggigigil, muntik rin akong masagasaan ng paparating na sasakyan. Hindi ko alam kung bakit ganoon si Inay. Kanina, natalo na naman siya sa sugal kaya galit na naman siyang umuwi sa amin. Naghahanap siya ng makakain ngunit hindi pa naman ako nakapagsaing, wala naman kasing iniwang pera si Itay. Tiyak mabubugbog na naman ako ni Inay, kaya parang gusto ko na lang umalis, gusto kong takasan si Inay. Dali-daling binalot ko ang mga gamit ko, aalis ako dahil hindi ko na kaya ang ginagawa sa akin ni Inay. Paalam Inay, sana’y hindi ka na matalo sa sugal dahil wala na ako, wala na ang malas sa buhay ni Inay.”

PAPEL

Ang mga papel ay mananatiling mga papel na lamang na pagdating ng araw ay maaaring malukot at sunugin At sa puntong iyon ang papel ay magiging abo Abong may kalayaang lumipad saan man nito gusto. Sa pagkakataong iyon, magpapasalamat sa papel na iyon sa hindi mo sa kaniya pagpapahalaga. Dahil sa wakas, nakalaya ka na siya sa pagkakagapos mula sa iyo Hindi na niya kailangang intindihan kung paano ka mapasasaya At hindi na niya kailangang unawaan ang kalungkutan mo sa tuwing kasama mo siya. Sa wakas, malaya na ang papel na wala naman talaga papel sa pagkapapel niya. -FIN

TULA

Hindi ako marunong sumulat ng tula Lalo na yaong may sukat at tugma Hindi ko kilala ang tanaga Lalo na sa pagpili ng tamang letra Hindi ako sanay sa pagbigkas Dahil di ko alam kung tama ba ang emosyon Hindi ko kilala ang tugma Umaayaw ako sa kaangkupan. Hindi ko maikulong sa titik Ang mga emosyon Hindi ko mahawakan ang kariktan ng dulog Hindi ko kabisado ang talinhaga Hindi ko mayakap ang alusyon Nakapapagod tumula Lalo’t hindi ka marunong sumulat Nang may sukat at tugma -FIN

Mga Pang-ugnay sa Pagbibigay ng Sanhi at Bunga

Paksang-Aralin Mga Pang-ugnay sa Pagbibigay ng Sanhi at Bunga Sa pagtuturo ng gramatika, hinihimay-himay ang katuturan ng bawat salita upang lubos na maunawaan ng mga mag-aaral, at upang ito’y kanilang magamit sa angkop na mga pagkakataon. Ang mga salitang pangnilalaman (content words) na siyang nagsasaad ng mga paksa at panaguri ay madaling nakikilala sa tulong ng mga salitang istruktural (functional words). Kaya masasabing bawat salita na nakapaloob sa isang pangungusap ay nagtataglay ng iba’t ibang gampanin sa paghahatid ng tiyak na mensahe sa komunikasyon.             Ang yunit na ito ay nakatuon sa iba’t ibang mga pang-ugnay (connectors) na ginagamit sa pagbibigay ng sanhi (cause) at bunga (effect) na siyang ginagamit natin sa mabisang paglalahad ng isang pangyayari. Malalaman din dito ang kahalagahan ng pagbibigay ng malinaw na mensahe lalo na’t nakapaloob ang pagbibigay ng naging sanhi at ang magiging bunga nito. Mga Layunin Sa pagtatapos ng yunit na ito, inaasahang